16/02/2026
Share ko lang po base sạ experience namin…
Naalala ko na naman yung teacher ni Bryce nung pinasok namin siya last year sa regular class for kinder. Eto sinabi niya “Hindi pa po kaya mag school ni Bryce”. Yan sabi niya samin kasi nga sguro dahil sa kalikutan niya ng sobra sa class niya at lalong lalo na di kaya sguro ihandle or turuan si Bryce nung teacher niya kaya nasabi niya yun. Sinabi niya din na “hindi po kasi pwedeng siya lang tututukan ko sa dami po ng students ko”. Eto pa sinabi niya samin “bigyan ko po siya hanggang ganitong araw kung magiging okay po siya”
So nakakalungkot lang talaga kahit hindi man direct na sinabi ng teacher na pahintuin sa pagpasok sa class niya si Bryce. Pero parang sa mga sinabi ni teacher hinusgahan agad niya si Bryce na alam ko bilang nanay is marunong,nakakasunod at nakakaintindi naman po anak ko kahit papaano.
Masakit man sa loob kami nalang nag decide na pahintuin anak namin, pero mali pala kami dun na hindi kami bumoses dun sa nangyari. Pinili nalang namin manahimik dahil sa bilis ng pag judge nila sa anak namin. Binigyan niya ng limitation anak ko para makapag school at makapag explore at maipakita ang kakayahan niya mag school.
Makita man to at mabasa ng dating teacher ni Bryce, Salamat pa rin po kahit nireject niyo si Bryce sa class niyo noon eto siya mas naunawaan namin kung ano talaga mga needs niya. Mas okay na din sguro na pina stop namin siya mag attend sa class niyo kasi alam ni Lord hindi siya mauunawaan ng mga taong nakapaligid sa kanya doon. Mas nilagay ni Lord si Bryce sa mga taong may concern, kaya siyang tanggapin at unawain at lalong lalo na nilaan siya ni Lord sa tamang lugar kung saan mas mamahalin siya💖