19/09/2025
“Walang katumbas na halaga ang mga parte ng katawan kaya hindi ito dapat gawing kalakal.” - R.A 11862 Expanded Anti-trafficking in Person Act of 2022
Opisyal na Pahayag
Dialysis PH Support Group Inc.
Kami po ay nalulungkot sa mga pangyayari hinggil sa mga kumakalat na mga online AI Generated Images na nagbibirong ibinebenta ang Organ (Kidney) ng tao para lamang makabili ng luho (Halimbawa bagong cellphone).
Bagama’t po sa iba ay maituturing itong biro o Satire post. Nais lamang po naming maipabatid na sa kabila po ng mga biro na ganito ay may mga totoong tao na mga kababayan nating Pasyente na may malubhang karamdaman (katulad ng Sakit sa Kidney) na nag-nanais na mabiyayaan ng bagong Organ upang maduktungan ang buhay at maibalik ang maayos na pamumuhay.
Kami po ay nag bigay ng pahayag na ganito dahil nais po naming ipaalam bilang isang Patient Support Group para sa mga pasyenteng may Chronic Kidney Disease, Ang Organ Donation ay isang seryosong usapin na nakapagliligtas ng buhay, at hindi ito dapat gawing biro o kasangkapan sa maling pagpapalaganap ng impormasyon.
Isa po sa aming pinaglalaban ay magkaroon ng sapat at tamang kaalaman ang ating mga kababayan sa importansya at kahalagahan ng pagdo-donate ng organ. Ito po ay ginagawa ng buong puso at walang kapalit na material na bagay.
May batas din po na R.A 11862 Expanded Anti-trafficking in Person Act of 2022 na nag sasabing labag po sa batas ang pag-benta ng kahit anong organ ng tao.
Nanawagan kami sa publiko na maging ma-ingat sa pagbabahagi at paglikha ng mga ganitong materyal. Sa halip, hikayatin natin ang mas malalim na pag-unawa, respeto, at suporta para sa lahat ng dumaranas ng sakit na nangangailangan ng Organ Donation.
Maraming salamat po at lagi po tayong gabayan ng ating Panginoon.
🇵🇭
🤲
❌
🎁
☝️
💖