Barangay Poblacion Health Promotion

Barangay Poblacion Health Promotion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Poblacion Health Promotion, Health & Wellness Website, Bonifacio Street Barangay Poblacion, Balanga.

28/01/2026

📣 ANNOUNCEMENT 📣

Inaanyayahan po ang lahat sa
💃 ZUMBA FOR ALL 💃

🗓 Friday, January 30
⏰ 4:00 PM
📍 Barangay Poblacion

✨ Open po ito sa lahat — isama po ninyo ang inyong mga batang anak!
👩‍👧‍👦 Mga mommies
👵 Senior citizens

🍽 May pakain pagkatapos ng zumba para sa mga mommies, senior citizens at mga bata.

👶 Pagkatapos ng aktibidad ay magkakaroon din ng pamimigay ng:
🧼 Hygiene kits
🥛 Gatas
🍎 Mga prutas

Tara na at magsaya nang sabay-sabay sa healthy, active, at masayang zumba!
Kita-kits po sa Barangay Poblacion! 💖

22/01/2026

ALAM NIYO BA?
Liver Cancer and Viral Hepatitis Awareness and Prevention Month ngayong buwang ng Enero. Dalawang sakit na may kaugnayan sa isa't-isa. Ang pagkakaroon ng hepatitis B, hepatitis C, at fatty liver ay posibleng maging sanhi ng liver cancer dahil sa pamamaga, peklat, o pagliit ng atay na dulot ng mga ito.

Ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na panatilihing magkaroon ng malusog at mayroong tamang timbang na katawan. Mahalagang umiwas sa mga unhealthy habits gaya ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng kontaminadong karayom, sobrang pagkain ng junk foods, fast foods, at matatamis na pagkain (mga pagkaing di maganda sa kalusugan), at ang hindi pag-eehersisyo.

Mahalin ang atay dahil ito ay isa sa mga pangunahing organo na may malaki at mahalagang trabaho sa ating katawan. Sama-sama nating itaas ang kamalayan, isulong ang mga hakbang para sa pamumuhay ng mahaba at may malusog na pangangatawan.


22/01/2026

ALAM NIYO BA?
Simula na naman ng Weekly Iron and Folic Acid Supplementation! Hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng mga kababaihang nasa edad 10-49 na taong gulang o ang mga kababaihang nasa reproductive age na tanggapin ang Weekly Iron and Folic Acid (WIFA) supplement na maaaring makuha sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar; at sa mga pampublikong paaralan para naman sa mga kababaihang nasa ika-7 hanggang ika-10 baitang.

Ito ay dahil kadalasang tinatamaan ng anemia ang mga kababaihan dahil sa kanilang buwanang dalaw (menstruation).

Ang anemia ay isang sakit sa dugo na ang mga sintomas ay pagiging matamlay, fatigue, pagkahina at mabilis na pagkahingal.

Sa wastong pagtanggap ng IFA, makasisigurong sapat ang hemoglobin sa ating red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen sa iba't-ibang parte ng ating katawan.

Sama-sama tayo sa paglaban sa malnutrisyon para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


05/11/2025

ALAM NIYO BA?
Ang pinakamadalas na naidudulot ng hindi paghugas ng kamay ay ang pagkakaroon ng diarrhea na karaniwang sanhi ng Salmonella, E. coli, norovirus, at hand, foot, and mouth disease; mga sakit na hindi magagamot sa simple o pangunang lunas. At ang ilan naman sa mga bago at malubhang sakit na maaaring maidulot nito ay ang COVID-19 at Mpox.

Importante sa buhay at kalusugan ng tao ang palagi at wastong paghuhugas ng kamay sapagkat ang mga nabanggit na halimbawa ng sakit ay maaaring maikalat sa simpleng pakikipagkamayan sa tao o kaya nama'y paghawak sa mga bagay gaya ng pintuan, lamesa, upuan, at iba pa.

Tandaan, sa simpleng hakbang na ito ay nailalayo mo sa sakit ang iyong sarili at mga mahal sa buhay. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigang matatag at protektado.


05/11/2025
05/11/2025

ALAM NIYO BA?
Mas madaling gamutin ang breast cancer kapag maagang natuklasan; at mas malaki rin ang tyansang gumaling kung ito ay agad bibigyan pansin.

Sa pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month ngayong Oktubre, nais hikayatin ng Bataan Provincial Health Office na regular na gawin ang 'SSS' o Sariling Salat sa Suso; at sakali mang may mapansing hindi normal ay agad komunsulta sa eksperto.

Narito ang QR code ng listahan ng mga Accredited Philhealth Konsulta Package providers para sa mga nais magpa-clinical breast examination; at QR code ng listahan ng Cancer Assistance Fund sites para naman sa mga kailangang sumailalim sa mammography at breast ultrasound.

Laging piliin ang healthy lifestyle. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


ALAM NIYO BA?Dahil sa papalit-palit na panahon, uso na naman ang influenza-like illness (ILI) o mga sakit na may kapareh...
25/10/2025

ALAM NIYO BA?
Dahil sa papalit-palit na panahon, uso na naman ang influenza-like illness (ILI) o mga sakit na may kaparehong sintomas ng influenza ngunit ito ay dulot ng iba't-ibang virus o bacteria.

Karaniwang sintomas nito ay tatagal ng halos 10 araw at kabilang dito ang UBO, PAMAMAGA NG LALAMUNAN, LAGNAT NA DI BABABA SA 38°C; at maaari rin maranasan ang mga sumusunod:
-Sipon
-Pananakit ng ulo
-Panginginig
-Pananakit ng katawan
-Panghihina
-Pagsusuka
-Pagtatae

Dahil ito ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit, ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pag-disinfect ng mga gamit, magsuot ng facemask, umiwas sa masisikip at mataong lugar, at buksan ang mga bintana para sa magandang air flow at bentilasyon.

Takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo o babahing at siguraduhin na bakunado, protektado ang buong pamilya dahil ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad ng lahat.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


WALANG OUTBREAK NG INFLUENZA!Ayon sa Department of Health (DOH), uso ang flu ngayon dahil sa papalit-palit na panahon. N...
25/10/2025

WALANG OUTBREAK NG INFLUENZA!
Ayon sa Department of Health (DOH), uso ang flu ngayon dahil sa papalit-palit na panahon.

Noon lamang ika-7 ng Oktubre ay idineklara ng DOST-PAGASA ang pagtatapos ng panahon ng Habagat at ang pagpasok naman ng panahon ng Amihan.

Dahil dito, mas madaling kumakalat ang virus o bacteria na dulot ng influenza-like illnesses (ILI) o trangkaso.

Ayon naman sa datos na hawak ng Bataan Provincial Health Office, kasalukuyang mas mababa ang bilang ng mga kaso ng ILI ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

Tandaan, ang ILI o trangkaso ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit, kaya't ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pag-disinfect ng mga gamit, magsuot ng facemask, umiwas sa masisikip at mataong lugar, at buksan ang mga bintana para sa magandang air flow at bentilasyon.

Takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo o babahing at siguraduhin na bakunado, protektado ang buong pamilya.

Wala mang outbreak ay ugaliin pa rin ang mga nabanggit upang makaiwas sa sakit para sa mas masaya at produktibong araw.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


ALAM NIYO BA?Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Oktubre, kung kaya't paanyaya ng Bataan Provincial Heal...
12/10/2025

ALAM NIYO BA?
Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Oktubre, kung kaya't paanyaya ng Bataan Provincial Health Office na dalhin ang inyong mga anak na 6-59 na buwang gulang sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para makatanggap ng vitamin A drops, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.

Isa sa karaniwang problemang pang-nutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.

Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masiglang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


ALAM NIYO BA?Kinikilala ang unang linggo ng Oktubre kada taon bilang National Newborn Screening Week.Ang newborn screeni...
07/10/2025

ALAM NIYO BA?
Kinikilala ang unang linggo ng Oktubre kada taon bilang National Newborn Screening Week.

Ang newborn screening (NBS) ay isang pagsusuri na isinasagawa sa mga sanggol makalipas ang 24 oras pagkapanganak. Ito ay upang malaman kung ang sanggol ay mayroong congenital metabolic disorder na maaaring maging sanhi ng mental retardation o maagang pagkamatay.

Bukod pa rito ay mayroon pang mahigit 29+ metabolic at iba pang congenital disorders ang maaaring malaman sa NBS. Ito ang dahilan kung bakit importante na ang lahat ng sanggol ay dapat sumailalim sa NBS nang sa ganon ay mabigyan ng agarang aksyong medikal sakali mang positibo siya sa congenital metabolic disorders; at nang maagapan din ang maagang pagkamatay.

Kung kaya't ngayong National Newborn Screening Week, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na bigyang halaga at ibahagi sa mga kakilala ang importansya ng NBS.

"Nay, Tay, Ipa-Newborn Screening n'yo ko ha". Iligtas si baby mula sa mental retardation at maagang pagkamatay. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masayang at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


03/10/2025

ALAM NIYO BA?
Ipinagdiriwang ngayong araw, ika-29 ng Setyembre, ang World Heart Day. Nakumusta niyo na ba ang inyong mga puso? Nakatutulong ba ang iyong paraan ng pamumuhay sa pagpapanatili ng malusog na puso?

Sa pagdiriwang ito, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na laging piliin ang malusog na pamumuhay upang mapangalagaan ang inyong mga puso:
1. Huwag manigarilyo
2. Iwasan ang masyadong maaalat at mamantikang pagkain
3. Kumain ng sapat at masusustansyang pagkain
3. Idagdag ang pisikal na mga aktibidad sa araw-araw na gawain
4. Umiwas sa pag-inom ng alak

Ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ay sakit sa puso, kung saan mahigit 18 milyon kada taon ang naitatalang bilang ng pagkamatay dulot ng sakit sa puso sa buong mundo.

Huwag kalimutang mahalin ang iyong puso. Sama-sama tayo sa pagpapanatili ng malusog na pamumuhay para sa malusog na puso ng bawat miyembro ng pamilyang Bataeño.


ALAM NIYO BA?Ang lahat ng tao ay may karapatang makalanghap ng presko at malinis na hangin. Walang sinuman ang nabubuhay...
27/09/2025

ALAM NIYO BA?
Ang lahat ng tao ay may karapatang makalanghap ng presko at malinis na hangin. Walang sinuman ang nabubuhay nang hindi nangangailangan ng hangin; at para mapanatili ang malaks at malusog na baga, hindi lang basta hangin ang dapat nating malanghap; kinakailangang malinis ito at ligtas mula sa nakasasamang kemikal at virus.
Ngayong World Environmental Health Day na may temang "Clean Air, Everywhere!", nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na palaging makiisa sa pagkamit ng malinis at ligtas na hangin para sa lahat:
-Huwag manigarilyo o mag-vape
-Magtanim ng halaman o puno
-Sanaying buksan ang mga bintana para iwas kulob
-Maglakad o magbisikleta hanggat maaari
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang smoke-free na lalawigan kung saan malayang nakalalanghap ng ligtas at malinis na hangin ang bawat pamilyang Bataeño.

ALAM NIYO BA?
Ang lahat ng tao ay may karapatang makalanghap ng presko at malinis na hangin. Walang sinuman ang nabubuhay nang hindi nangangailangan ng hangin; at para mapanatili ang malaks at malusog na baga, hindi lang basta hangin ang dapat nating malanghap; kinakailangang malinis ito at ligtas mula sa nakasasamang kemikal at virus.

Ngayong World Environmental Health Day na may temang "Clean Air, Everywhere!", nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na palaging makiisa sa pagkamit ng malinis at ligtas na hangin para sa lahat:
-Huwag manigarilyo o mag-vape
-Magtanim ng halaman o puno
-Sanaying buksan ang mga bintana para iwas kulob
-Maglakad o magbisikleta hanggat maaari

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang smoke-free na lalawigan kung saan malayang nakalalanghap ng ligtas at malinis na hangin ang bawat pamilyang Bataeño.


Address

Bonifacio Street Barangay Poblacion
Balanga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion Health Promotion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram