31/12/2025
Sa pagpasok ng 2026, kami sa Metro Balayan Medical Center ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta.
Ang bawat araw ay paalala ng aming misyon, maghatid ng dekalidad, malasakit, at tapat na serbisyong medikal para sa bawat pamilya at komunidad na aming pinaglilingkuran.
Sa bagong taong ito, patuloy kaming magpapabuti, maglilingkod nang may puso, at magsusumikap na maging kaagapay ninyo sa bawat hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan.
2026—taon ng pag-asa, paggaling, at mas pinatibay na malasakit.
Kasama ninyo kami, ngayon at sa mga darating pang taon.
Metro Balayan Medical Center
Alaga ka, dahil mahalaga ka.