26/09/2025
๐จ OPONG NAG LANDFALL NA SA PILIPINAS; LUMIKAS SA MGA EVACUATION CENTER KUNG KINAKAILANGAN ๐จ
โ๏ธ Ayon sa DOST-PAGASA, nag-landfall ang Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Samar 11:30 ng gabi ng September 25. Magpapatuloy ito sa pagtahak sa Masbate, Sibuyan Sea, katimugang bahagi ng CALABARZON, at hilagang bahagi ng MIMAROPA bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea ngayong gabi o bukas ng umaga (27 Setyembre).
๐๏ธ Nasa 389 ang bilang ng evacuation center na nakahanda at ginagamit ng mga pamilyang lumikas dahil sa bagyo ayon sa report ng NDRMMC.
โผ๏ธ Sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at agad lumikas kung kinakailangan. Siguraduhin ding manatiling ligtas at malusog habang nasa evacuation center, lalo na kung magtatagal ang pananatili rito.
โ
Magsuot ng face mask at takpan ang bibig kapag babahing o uubo
โ
Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran
โ
Hangga't maaari, gumamit lamang ng personal na gamit
โ
Uminom lamang ng malinis na tubig; gumamit ng chlorine tabs kapag hindi tiyak ang kalinisan ng inumin
โ
Panatilihing malinis ang kapaligiran at sarili kapag may pagkakataon
โ
Agad lumapit sa health worker kung may nararamdamang lagnat, ubo, sipon, o iba pang sintomas.
Sources:
PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 15
NDRMMC Situational Report No. 17