26/09/2020
REGRET
Ito ang pinaka masakit na pwedeng mangyari sayo. Yung ma realize mo nalang isang araw na hindi mo na kayang gawin ang mga plano mo o kayay wala ka ng sapat na lakas para tuparin ang mga ito.
Napakabilis lumipas ng oras, at ayaw kong mangyari na hindi mo man lang subukan. Naniniwala kasi ako na lahat tayo ay mag tatagumpay, ang pinaka mahirap lang ay hindi tayo naniniwala sa vision natin.
Alam mo brother, kung ilalahad ko sa inyo lahat ng pinag daanan ko sa buhay at lahat ng risks na nakaharap ko ay baka isipin mong exaggerated ang kwento dahil sa dami.
Anyway, yun kasi ang maganda sa buhay, may risks at challenging tlaga sa araw araw.. kaylangan mo lang buksan ang isip mo at baguhin ang pananaw mo sa mga bagay bagay.
Kung makikita mo lang ang value ng mga nakaka harap mong pagsubok, sigurado ma eexcite ka pa at mamahalin mo ang proseso.
Hindi mo ba na realize na kaya ka nag mature ngayon at tumibay ay dahil yan sa mga past experiences mo na hindi nag work at nag paramdam sayo ng hirap? Kung hindi mo pinag daanan iyon, hindi ka nag grow as a person.
Ako hanggang ngayon, i am looking for more challenges sa buhay, kung hnd ako busy, ako pa mismo nag hahanap ng mga gagawin... nasa norm ko na yung feeling na dapat palagi akong nasa constant pressure.
Alam ko kasi ang kapalit nito. That’s why kapag may challenges ng dumating I always think na blessings yan.
Sana maintindihan mo brother kung saan ako nggagaling. Gusto ko na ma achieve mo din ang mga gusto mo sa buhay. Right mindset lang ang katapat niyan.
Kaya para sa lahat, kung meron kayong ultimate dream, live to it! Don’t live to just give up to it.
Karamihan sa inyo na subaybayan ako simula baba. Nung nag sisimula palang ako. Kaya nandito padin ako kahit busy. Para kahit papano is ma remind ko kayo palagi. Bilang pasasalamat sa walang sawang supporta. It’s my time to give back.
Kaya mga bro. Ipag laban ninyo tlaga. Huwag na kayong mag hintay na may taong susuporta sa inyo. Kaylangan ninyo talagang lunukin ang pride ninyo, at mag simula sa wala. It’s your life. Huwag mo i asa sa iba, kahit pamilya mo hindi ka matutulungan, kailan ka pa kikilos? Kapag hindi mo na kaya? Wake up!
Habang may oras ka pa, try to achieve everything early! Life is all about chasing a dream no one can see but you.
****sinulat ko ito kanina 5am. Palagi kasi akong nag mumuni muni sa madaling araw. Nag evaluate ako palagi ng sarili ko. At naisipan konh mag sulat para may ma share ng konti. Pakiramdam ko kasi parang responsibilidad ko na na mag paalala sa inyo. Hindi ko matiis na hindi kayo isama sa natututunan ko sa araw araw. Tulad ninyo i am still chasing my dreams and i am struggling,
Pero... that’s life...
Ctto.