30/01/2026
Butlig sa balat na parang tinutusok-tusok, kinukuryente, o sinusunog? 🔥
Ang Herpes Zoster o Shingles ay isang sakit na dulot ng Varicella Zoster virus — parehong virus na sanhi rin ng bulutong-tubig (Chickenpox). 🦠
👴🏻 Sino ang karaniwang naaapektuhan?
✔️ Mga edad 50 pataas
✔️ May mahinang resistensya
✔️ May matinding karamdaman o stress
😷 Karaniwang sintomas:
✔️ Pantal na nagtutubig sa isang bahagi lang ng katawan
✔️ Pamamanhid, pagkakirot, o pangangati ng balat
✔️ Lagnat, pananakit ng katawan, at pagkapagod
⚠️ Posibleng komplikasyon:
✔️ Matagal na pananakit sa apektadong lugar (Post-herpetic Neuralgia)
✔️ Impeksyon sa balat at pamemeklat
✔️ Problema sa mata/paningin kung apektado ang mukha
📍 #147 Malipampang, San Ildefonso, Bulacan (Landmark: Sto. Rosario Parish Church) *Searchable on Waze/Google Maps
⏰ Monday to Saturday (8:00AM-4:00PM)
☎️ 0976 358 7398/0916 424 9896