25/05/2023
Knit Thy Grit
What is Grit?
One is gritty when she/he persists in facing all the obstacles through endurance, perseverance, resilience, passion, hard work, and practice.
Grit is the ability and determination to continue doing something despite difficulties.
Grit is ‘stick-to-it-iveness,’ a diligent spirit to keep on. It is persistence and tenacity.
Posible ba ito? Oo. Ito ang inherent capacity ng bawat isa. Biyaya ito ng Manlilikha.
Ang sabi ni Psychologist Angela Duckworth, na siyang nagdala ng konsepto ng “grit,” hindi sa talento o swerte nakasalalay ang tagumpay kundi sa walang humpay na pagbangon at pag-igpaw sa tuwing nalulugmok.
Sa isang speech ni Teddy Roosevelt, na tinawag na Grand Sire of Grit noong 1907, sinabi ang kahalagahan ng pagharap sa mga takot at hirap at ang mahusay na pagtanggap sa ating vulnerability.
I paraphrased:
Hindi kailanman ang kritiko ang huhusga sa iyo, hindi kailanman ang nanonood o nagmamasid ang magsasabi kung gaano ka kalakas o kung paano ka nadapa; kung gumawa ka ba ng mas mabuti o hindi.
Tanging ang nakakaalam ay ikaw na nasa arena ng pakikipaglaban, kung saan at paano ka dinurog ng kalaban, ikaw mismo na nagdusa at nagpakasakit at naghandog ng dugo at pawis; ikaw na nagsikhay ng buong lakas; ikaw na nagkamali, ikaw na nadapa at nalugmok pero tumatayo ng paulit-ulit, ikaw na humuhugot ng lakas mula sa siphayo at pighati; ikaw na tunay na nagsusumikap lumaban upang matupad ang mga layunin;
Ikaw na nakababatid kung ano talaga ang "great enthusiasms and great devotions; you who spend yourself in a worthy cause; who at best knows, in the end, the triumph of high achievement, and who at the worst, if you fail, at least fail while daring greatly.”
Ang lakas natin ay manggagaling sa pagkilala at pagyakap natin sa pagiging vulnerable natin, pagyakap sa ating susceptibility, weakness, defenselessness, helplessness, powerlessness, proneness; na tayo ay maaaring maging mahina at di kaya lumaban , masasaktan at masusugatan. Habang nilalakbay natin ang buhay ay madami tayo masasalubong, hindi lahat masaya, hindi lahat madali, pero sa hirap at siphayo nalilinang ang tapang at pag ibig na di palulupig.
Grit keeps on telling us to rise above any difficulty. Having grit is having the power to transcend!
Kaya natin bumalik at tumayo ng paulit-ulit. We will overcome fear and emerge empowered and with so much love to offer humanity.
Knit thy grit and never wait a bit!
Grab my ebook now to have the power to Transcend! (https://sites.google.com/view/moxie-and-gumption/home?authuser=0)
To your transcending,
Gladys