03/12/2025
Taas kamay ang mga relate 😅
https://www.facebook.com/share/p/1AySHsviFm/?mibextid=wwXIfr
May nakikita akong problema sa running community na paulit-ulit, pero madalas hindi napag-uusapan yung paraan ng ilang competitive runners na tinitingnan ang recreational runners na para bang mababa sila, parang kulang, parang hindi “totoong” runner. Pero bago natin husgahan ang sinuman, kailangan muna nating intindihin na kung sino ba talaga ang recreational runner?
Ang recreational runner yung taong pumapasok sa mundo ng pagtakbo hindi dahil hinahabol nila ang podium, hindi dahil may sponsor sila, at hindi dahil kailangan nilang patunayan ang sarili nila sa iba. Tumatakbo sila dahil kailangan. Dahil gusto nilang maging mas malusog. Dahil gusto nilang makahinga mula sa bigat ng trabaho. Dahil gusto nilang magkaroon ng kahit kaunting oras para sa sarili sa gitna ng responsibilidad, bills, deadlines, pamilya, at pagod. Para sa kanila, ang pagtakbo hindi karera. kundi pahinga, therapy, o minsan, paraan para mabuhay nang mas magaan.
Pero madalas, sila rin ang pinakaunang naaapi. May competitive runner na titingin sa kanila mula ulo hanggang sapatos, at may ngiting may halong yabang habang sinasabi na “Ah, mabagal ka pa pala,” o “Beginner pace yan,” o “Walk ka pa?” Para bang ang lakas at halaga ng isang runner ay sinusukat sa kilometro kada minuto. Para bang ang bilis ang nagtatakda kung sino ang may karapatang magsalita at magbigay ng opinyon.
Ang hindi nila alam, ang recreational runner na minamaliit nila, baka mas mabigat pa ang tahimik na pinagdadaanan kaysa buong training cycle nila.
Imagine mo to hah, ikaw competitive elite runner ka. Estudyante ka. May oras ka araw-araw. Wala ka pang anak. Wala ka pang pinapakain na pamilya. Wala kang 8 to 10 hour shift na nakakapagod. Wala kang boss na toxic. Wala kang bills na kailangang habulin ngayong 15 at 30. Mas may tulog ka. Mas may recovery ka. Mas may free time ka na pwede mong i-dedicate sa training mo.
Pero yung minamaliit mo? Baka isa o dalawang taon pa lang tumatakbo. Baka may dalawang anak. Baka every night puyat sa trabaho. Baka sinisingitan lang ang training sa pagitan ng pagkarga ng groceries, pag-asikaso ng modules, pag-uwi mula night shift, o pagsalo sa stress na hindi mo nararanasan. Pero nandiyan pa rin siya sa starting line. Takbo pa rin. Laban pa rin.
Kaya itanong natin.. sino ang mas malakas?
Ikaw na may oras?
O siya na kahit ubos na, tumatakbo pa rin?
Hindi mo pwedeng sabihing mahina ang isang taong pinipili pa ring lumaban kahit ang buong buhay niya umaatras sa kanya.
At isa pa, hindi lahat ng mabilis ay dahil magaling.
May mga tao talagang genetically gifted yung tipong kahit ilang buwan pa lang tumatakbo, mabilis na agad. Yung tipong parang sinilang para tumakbo. Hindi dahil maganda program nila, hindi dahil mas matalino sila sa training science, kundi dahil binigyan sila ng katawan na kayang sumalo ng volume, intensity, at mileage na hindi kaya ng karamihan. Pareho lang sa ibang bansa kung bakit mas mabilis ang average 5K time sa US o Japan kaysa Pilipinas, hindi dahil mas magaling sila o may mas alam ang mga runner saknila.. Minsan dahil sa genetics, environment, lifestyle, at access. Hindi dahil mas “worth it” sila.
Ako mismo, Bilang si Coach Dan, aminado ako may mga athlete ako na mas malalakas sa akin na nahirapan akong abutin o hindi ko naabot yung bilis nila nung prime ko kahit focus pa ko sa training at wala pang masyadong stress at responsibilidad sa buhay noon.. Mas mabilis sila sakin. Mas mataas ang PR. Pero pagdating sa kaalaman sa training science, periodization, lactate dynamics, injury prevention, recovery principles hindi nila kayang sagutin yung mga kaya kong i-breakdown. Kasi magkaiba ang fitness at knowledge. At minsan, kahit na bumalik na ulit ako sa pagtakbo ko ngayon. ay hindi ko parin minsan maaabot ang fitness nila dahil may responsibilidad ako, may trabaho ako, may stress ako, may buhay akong kailangan asikasuhin. Hindi kami pareho ng oras. Hindi kami pareho ng puyat. Hindi kami pareho ng tinatahak sa likod ng camera.
At eto ang pinakamasakit pero pinaka-real point..
Kapag ako at ang mas mabilis sa akin na hinahawakan kong athlete ay binigyan ng tig-tatlong atleta para i-handle, mas malaki ang chance na yung athletes na nasa akin ang mas aangat. Hindi dahil mas mabilis ako kundi dahil mas may alam ako. Ang bilis hindi basehan ng galing. Ang pace hindi sukatan ng talino. At ang PR hindi automatic na katumbas ng credibility.
Kaya sa mga competitive runner na minamaliit ang recreational runners… tanong ko lang, mas mabilis ka ba talaga?
O mas magaan lang ang buhay mo?
Mas magaling ka ba talaga?
O mas maraming oras ka lang?
At handa ka bang humarap sa katotohanan na kung bigyan mo ng parehong time, resources, rest, at stress levels ang recreational runner na minamaliit mo… baka ikaw ang maiwan.
Kasi alam nyo ba karamihan sa mga elite runner nung prime nila habang nag aaral pa sila pagdating sa totoong buhay sa labas at nagkaroon na ng responsibilidad, hindi mo na sila makikita sa tulad ng dati, minsan hirap na sila kadalasang magdala ng oras para mag time management lang sa trabaho nila at sa takbo, kaya bumababa na madalas ang fitness nila.
Kaya tandaan moto.....
Running isn’t about pace.
Running isn’t about superiority.
Running isn’t about being better than somebody else.
Running is about becoming better than who you were yesterday.
At ang recreational runners sila ang nagpapaalala sa atin ng pinaka-puso ng sport. Dahil sila tumatakbo hindi dahil kaya nilang manalo, kundi dahil pinipili nilang lumaban kahit ang buhay nila hindi madali.
Pero syempre hindi naman lahat ng elite runners ay mapang maliit, mas marami sa kanila ang humble lang at tumutulong pa nga sa baguhan o mas nakakababa.
kaya saludo ako sa mga attitude na mayroon ganun ang mga runners. Pero sa mga mataas ang ego, araaay mo!!!
At the end, isang bagay lang ang sigurado,
Lahat ng elite runner, naging beginner runner muna. Walang exempted...
Respect Recreational Runners
Respect Elite Runners
Iisa lang ang tinatakbuhan natin, pero magkakaiba tayo ng goal. 🔥