20/07/2025
Luke 1:37
"Faith does not make things easy, its makes them possible"
Nagsimula etong journey namin sa zero kami, di ko alam kung pano magsisimula pero gustong gusto kong matapos agad dahil sa hirap na nakikita kong tinitiis ng aking anak, may times na iiyak nalang ako kase diko alam kung kelan to matatapos pero napakabuti ng panginoon saamin, bago nag 1y/o si Kaleb nangyare ang aming hiniling at di magiging posible itong lahat kundi dahil sa mga to, dahil sainyo.
Mahaba itong pasasalamat na ito pero sana matapos nyo 🥹❣️
MARAMING SALAMAT..........
— Kaleb's Human Angels
For sharing Kaleb's story, your donations and of course your prayers. Hindi man po tayo magkakakilala lahat pero naging bukas palad kayong tumulong saamin, salamat po sa pagsama sa journey ni Kaleb alam kong isa kayo sa masaya pag nakikita nyo ang unti unti nyang improvement.
— Our Family, Relatives & friends
Since day 1 na nag start tayong mag fund raising hanggang na transplant si Kaleb anjan po kayo, mula sa anong photo ang i-upload, anong caption natin for today's post, hanggang sa kung sino ang nakatoka sa mga senators for follow-ups 😅, donation box sa store and restaurants, pag bibigay ng solicitations letters, pag suggest kung ano pang pedeng gawin para makapag raise pa ng funds at magdamagang pag gawa ng macaroons at higit sa lahat ang pag ooffer nyo po ng daily rosary kay Kaleb, this wouldnt be possible kung hindi po tayo nag kaisang lahat. Your support makes our Journey easy and memorable pa 🫰🏻
— BL2H, Oracle, BILD foundation
Salamat po Mam Jon sa assistance, Ate Rea sa 24/7 na pagsagot sa mga tanong and pangungulit ko, Mam Nina sa pag tulong sakin makipag coordinate sa isang foundation namin and sa 2 foundation po na nagbigay ng financial support para pang share sa hospital package namin.
— Apollo Hospital
Lagi ko tong sinasabi, na siguro pagbalik ko dito sa pinas maninibago ko sa health system natin dahil sa sinet na standard ni Apollo, ang galing ng sistema nila, wala kang masasayang na oras sa paghihintay or pila, approchable and friendly staff and great service sa lahat ng departments,
— LICU Sisters
I will forever grateful sa mga sisters who took care of Jay 'R & Kaleb, not a single time na nag worry ako kung naalagaan ba sila ng maayos while di ko sila nakakasama kase even the other parent they can vouch na super maalaga at mababait ng mga sisters, and true enough nung mag ama ko na ang naka experience. May times na nagselos pa ko sakanila kase feeling ko mas love na sila ni Kaleb kesa sakin hehe
— Gastro Team
Di po magiging posible na mapaaga ang transplant ni Kaleb kung di sa malasakit nila, isa sila sa mga tumulong saamin mag email para ma grant na kami, I cant disclose all the things you have done but please know that we are forever grateful doctors ❣️ Since day 1 namin sa apollo and na admit na kami agad hinandle nyo na si Kaleb. Everytime na may emergency anjan kayo agad. Yung iba don beyond na sa work nyo pero pinili nyo parin gawin para kay Kaleb. Thankyou for taking care of Our Miracle Boy.
— Liver Transplant Team
Kung hindi sa galing at dedikasyon nyo di magiging posible itong lahat. May times na almost everyday kayo nag tatransplant pero di kayo napapagod rounds, even in midnight or after operation you always find time to visit and check our warriors not once but twice or thrice every.single.day
— ang aming BONUS
Tita Zen salamat po sa tulong ninyo, sa mga groceries twice a month, sa pag tour and guide saamin.
Pamilyang OA, pinagaan at pinasaya nyo ang aming stay sa JP House, salamat sa malasakit at tulong, sa love kay Kaleb at sa mga gabing puno ng tawanan kahit sa mga panahon na mahirap, salamat mga badeng ❣️
— And of course to our Lord 🙏🏻
Hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung hindi dahil sa'iyo ☝🏻 I
Walang darating na human angels, foundations, sisters and doctors at pamilyang OA kung hindi dahil saiyo, kayo po lahat ng ito panginoon salamat po sa pinadala nyong instrumento.
Nakaraos na po tayo, salamat po sa pakikibahagi ng journey namin mag anak ❤️