10/12/2025
Pag binigyan kita ng isda, mabubusog ka ngayon.
Pero pag tinuruan kita mangisda, mabubuhay ka nang pangmatagalan.
Ganoon din sa paghanap ng pera. Hindi sapat na umaasa lang tayo sa bigay, sa swerte, o sa kung ano mang dumarating. Ang tunay na asenso nagsisimula kapag natuto kang gumawa ng paraan — mag-aral, magdiskarte, magnegosyo, magpundar, at pagyamanin ang kakayahan mo.
Mas mahalaga ang skill kaysa sa sandaling kita. Mas malaki ang balik kapag natutunan mong lumikha ng oportunidad, hindi lang maghintay dito. Dahil kapag may alam ka, may diskarte ka, at may tapang kang magsimula, hindi ka mauubusan ng paraan para kumita.
in short bawal tamad - sipagan mo at wag umasa.