06/12/2025
Isang makabuluhan at masayang Reorientation at Christmas Party para sa ating Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang idinaos noong December 5, 2025 sa Alcala Municipal Gymnasium.
Taos-puso ang pasasalamat ng Alcala Municipal Health Office sa inyong sipag, dedikasyon, at walang sawang suporta sa iba’t ibang programang pangkalusugan ng bayan. Kayo ang tunay na haligi ng kalusugan sa bawat barangay.
Nagpasiklaban din ang bawat grupo sa masiglang Zumba Dance Competition:
🏆 1st Place: Brgy. Afusing Daga, Malalatan, Abbeg
🥈 2nd Place: Brgy. Tamban, Cabuluan, Afusing Batu, Carallangan
🥉 3rd Place: Brgy. Centro Norte, Centro Sur
Lahat ng ito ay naisakatuparan sa pamumuno ng ating Municipal Health Officer, Dr. Karen Ana A. Narag, at sa buong suporta ng ating Local Chief Executive, Atty. Cristina I. Antonio.
Lubos din ang pasasalamat sa mga donasyon nina SB Dok Sebio Manuel at SB Ilarde Ventula.
Mabuhay ang ating BHW at BNS!