21/04/2022
Warning: Medyo long story to read 😁
Sharing my Low Carb Journey. That's me 4 yrs ago 34 yrs.old (Left Side Photo). During that time, nasa High Carb lifestyle ako. Kain ng kain ng lahat ng magustuhan ko. Anytime and any where basta mag-crave. Sige lang sa kain. I always have that headache, backpain, sudden lost of balance at mga bilbil 😁....Akala ko noon, normal lang ang mga nararamdaman ko (siguro dahil wala na sa kalendaryo ang edad ko 😁). Well totoo naman yun. Kaya tinatanggap ko na lang. Inom na lang ng gamot at mga pain reliever pag inatake. Ganun lang ang buhay noon. It becomes just normal and routine na nangyayari.
My Right Side Photo - that is me NOW 39 yr.old. Always energized, no more headache, no more backpain at walang panghihilo. Hay...ang sarap sa pakiramdam na hindi na ko inaatake ng sakit ko noon. Hindi ko na kailangang uminom ng gamot na mga synthetic. At mas mabilis akong kumulios at nakakagawa ng walang iniindang sakit. Sa mga full time housewife, napaka halaga ng maayos ang health natin. Sa mga parents na full time, alam ko relate din kayo sa akin. Kailangang maging malakas, hindi sakitin at hindi matamlay. Our family needs us most. Ito rin ang dahilan kung bakit ko sinisikap na ma-maintain at alagaan ang health ko.
Sa mga nagtatanong, hindi po ako nagpapapayat. Dahil kung makikita ninyo sa photo- hindi ako super laki. Pero hindi po yun ang basehan ko kung bakit ako nag Low Carb...ang health ko ang aking pinag batayan. Hindi naman pwedeng masabi na como ok lang ang built ng katawan mo ay totally ok and healthy ka talaga. Nararamdaman yan ng tao. So ako, ginawa ko ito kasi nararamdaman ko na kailangan ko ng magbago in lifestyle. At wala po akong pinagsisisihan. Happy ako sa result. Bonus na lang talaga na nag flat ang tummy ko at nawala ang mga excess fats na hindi kailangan ng aking katawan.
Lahat yan connected. Pag maayos ang health mo, maayos din ang mood mo. Pag maayos ang mood mo- positive thoughts at good vibes lang ang maiisip mo. Pati ang mga kasama mo sa house makukuha din ang energy na nakikita at nararamdaman sayo. Oh, di ba - it's a cycle! Kaya kung gusto mong maging maayos ang lahat sa paligid mo - kailangang magsimulan yan sa sarili mo!
I'm sharing this, hindi para i-convinced ang sino man. Ginagawa ko ito para sa mga kaibigan, kakilala o sa lahat ng mga taong makaka-relate sa journey ko at sa pinagdaanan ko. It's my way of helping. This is my personal health journey, baka ito lang ang kailangan mong mabasa, para ma-realized mo na may pag-asa at may pagkakataon pa to take back your health. Dios ang nag-iingat sa atin. Pero tyo ang may responsibility how we should take good care of it.
Thank you for taking time to read this. Sana nakatulong at naka inspire sayo.