27/11/2025
Napakabait nung lokal na na-meet namin sa Sabang last week. 🤗
Hanapbuhay nya ang pagtitinda ng gemstones kagaya ng nasa photo, pati mga kwintas at hikaw. Nakipag-kwentuhan sya sa amin at nagbigay ng libreng onyx kay Nash.
Nung una ayaw naming tanggapin kasi binebenta nya ‘yun e. Pero sa dami ng taong lumapit sa amin para mag-alok ng iba’t-ibang items, sya talaga ‘yung nag-stay at persistent na makabili kami sa kanya.
Nagbigay pa sya ng discount kahit hindi kami nag-ask. Syempre hindi namin sinasamantala ang mga ganun kababait na tao. Sabi ko bilang kapalit, bibigyan ko sya ng on-the-spot reading. Pumayag naman sya. ✨
Napakadaming ways ng Universe para i-konekta tayo sa mga tamang tao sa tamang panahon. Everywhere we go we get to meet different people from different walks of life na alam naming kailangan ng healing. Complete strangers na talaga namang nakukuha ang attention namin.
We always make sure na may maiiwan kaming mabubuting binhi sa puso at isip nila, para magbago at mag-improve ang buhay nila. Tanim lang ng tanim palagi. 🌱
Napakahiwaga at napakaganda ng mundo na meron tayo. Salamat sa Diyos. 🌟