22/09/2025
🥰
Sa mga pulis, gets namin trabaho niyo. Naiintindihan namin na utos lang yan at parte ng sinumpaan niyong tungkulin. Sa parehas na paraan, hinihingi rin namin ang pang-unawa niyo. HINDI TAYO ANG MAGKAKALABAN DITO.
Wag maging marahas at maging mapayapa lang sabi niyo. Pero tanong namin: mas may dadahas pa ba sa ginagawang korapsyon ng mga gagong pulitiko?
Pag nangulimbat yang mga yan ng daang bilyong piso, ang kahulugan nyan e ninanakaw sana yung pampaaral sa mga anak natin, yung pampagamot kapag may sakit tayo o sino man sa pamilya natin, yung mga serbisyo na dapat naman nating nakukuha at di na natin dapat pinagmamakaawaan. Buhay at kinabukasan natin yung dinedekwat ng mga gagong yan. Kaya kapag napuno at lumaban na ang mga tao, pati kayo at yung galit niyo kasama sa pinaglalaban at isinisigaw ng mga nagpoprotesta. Alam naman naming alam niyo rin yan.
Pero bakit parang ang labas e mas galit at gigil kayo sa mga nagpoprotesta? Mga boss dapat mas galit tayo dun sa mga pulitiko at mga oligarko na nanarantado satin!
Di kami galit sa inyo. Manggagawa rin kayo. At kayo ang pinapain at pinambabala ng mga korap na congressman, senador, at mga pulitiko sa mga tao. Sana ganyan din ang pang-unawa na binibigay niyo sa mga taong pinaglalaban lang din ang parehas na hirap na dinaranas niyo.