Bagong Barrio Lying In & Health Center

Bagong Barrio Lying In & Health Center Official Page of Bagong Barrio Lying In & Health Center.

!!! ATTENTION!!! Magandang balita! Nais po namin anyayahan ang lahat ng na dumalo sa aming LIBRENG CHEST - XRAY! nasa pi...
01/12/2025

!!! ATTENTION!!! Magandang balita! Nais po namin anyayahan ang lahat ng na dumalo sa aming LIBRENG CHEST - XRAY! nasa picture po ang mga detalye.

✔ Walang bayad
✔ Mabilis
✔ Safe at confidential
✔ Para sa lahat

Sino ang pwedeng mag pa-X-RAY?
✔ Edad 15 pataas
✔ May ubo nang higit 2 linggo
✔ May TB history sa pamilya
✔ Matagal na pagbaba ng timbang, pagpapawis sa gabi o lagnat
✔ O kahit sino na gustong magpatingin para makasig**ong malusog ang BAGA!!

✔Maaring magdala ng ID para sa Phil Health Registration

Tara na! Mas mabuti ang maagap na pag-check kaysa sa huli na.
Para sa mga katanungan, mag-message lang dito sa page. 💬

protektahan natin ang ating baga at ang ating pamilya 🧡🧡

❤️
19/11/2025

❤️

🎉 PARA SA MGA 1-YEAR-OLD BABIES NGAYONG NOV & DEC!May GIVEAWAY kami para sa mga batang Fully Immunized Child (FIC)!Requi...
19/11/2025

🎉 PARA SA MGA 1-YEAR-OLD BABIES NGAYONG NOV & DEC!
May GIVEAWAY kami para sa mga batang Fully Immunized Child (FIC)!

Requirements:
✔ 1 BCG
✔ 3 Penta
✔ 3 OPV
✔ 2 MCV (Tigdas)

Simula Nov 19, 2025 — First Come, First Serve! Until supplies last po ito.. ❤️

Halina’t magpabakuna, mga BakuNANAY at PapaVaccine! 💉💕

BBLIC team Bakuna Eskwela last September 9, 2025. With DOH Nurses at Bagong Barrio Elementary School.Also with School Pr...
19/09/2025

BBLIC team Bakuna Eskwela last September 9, 2025. With DOH Nurses at Bagong Barrio Elementary School.

Also with School Principal Dr. Jacqueline V. Luzon, School Clinician Marcy Malagueño and other School Teachers of BBES, Thank you for allowing us to conduct our School based Immunization.


19/09/2025

🩺👩‍⚕️👨‍⚕️BAKUNA ESKWELA 2025💉✨
Sa ikatlong pagkakataon matagumpay na naisagawa ng Bagong Barrio Elementary School ang School-Based Immunization Program.

--BAKUNA ESKWELA 2025 na layuning higit pang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral laban sa mga sakit gaya ng Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria, at Human Papilloma Virus (HPV). Sa pamamagitan ng pagbabakuna, natitiyak na mas ligtas ang ating mga kabataan, nakaiiwas sa mga seryosong karamdaman, at naiiwasan din ang pagliban sa klase na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral.

Ang programang ito ay isinakatuparan sa pangunguna ng mga masisipag at masigasig na doktor at nars mula sa Department of Health (DOH) at Local Government Unit (LGU), katuwang ang ating mga Barangay Health Workers (BHW). Sa patnubay ng ating punongg**o Dr. Jacqueline V. Luzon kaagapay ang ating school clinic teacher Marcy Malagueño, mga g**o na sina Ma'am Annabel Irinco, Ma'am Marichu Dela Cruz at Ma'am Marciane Shiena Repuyan, mga magulang at SPTA.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta sa Bakuna Eskwela 2025. Ang inyong malasakit at kooperasyon ang nagsilbing susi upang maging matagumpay ang programang ito para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.




28/08/2025
Paalala..
12/08/2025

Paalala..

Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan
Caloocan Health Department sa pamumuno ni Dr. Fernando S. Santos
Mahalagang Paalala po sa lahat:
*WALANG BAYAD ang pagpapatingin at pagpapagamot sa mga health center
*IPINAGBABAWAL ANG DONASYON
pagbigay at pagtanggap sa ating mga health worker
📷: Caloocan PIO

Isa po ang ating Health Center sa PHIL HEALTH YAKAP CLINIC. Maari po kayong magtungo sa ating health center para sa kara...
04/08/2025

Isa po ang ating Health Center sa PHIL HEALTH YAKAP CLINIC. Maari po kayong magtungo sa ating health center para sa karadagan impormasyon.

📢 Magparehistro at mag-avail ng libreng primary care benefits sa YAKAP Clinic!

📲 I-scan ang QR code upang makita ang listahan ng mga YAKAP Clinics sa bawat bayan.

Sa ilalim ng programang PhilHealth YAKAP, maaari kang makatanggap ng mga sumusunod na benepisyo:
✔️ Libreng Check-up
✔️ Gamot
✔️ Laboratory Tests
✔️ Cancer Screening Tests
(ayon sa rekomendasyon ng doktor)

🫶 Ang PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) ay programang aalaga sa bawat Pilipino para malayo sa sakit ang bayan.

👉 Ang kalusugan mo, yaman ng bayan. Makiisa sa !

Kaya magpa-register na sa PhilHealth YAKAP — dahil ang kalusugan mo, kayamanan mo! I-download at gamitin ang eGovPH Super App. 📲

eGovPH App Apple Store:
https://apps.apple.com/ph/app/egovph/id6447682225

eGovPH App Google Play Store:
https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app&pcampaignid=web_share



01/08/2025





In line with upcoming School based immunization at Bagong Barrio Elementary School, here's our Doctor and Nurses who att...
01/08/2025

In line with upcoming School based immunization at Bagong Barrio Elementary School, here's our Doctor and Nurses who attended patients Orientation, to impart their knowledge about Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria and HPV Vaccine, at tungkol sa kabuuan program ng bakuna eskwela 2025.

Salamat po sa school clinician (Mam Marcy) para sa pagpapaunlak ng ating mga health center staff of BBLIC.

Salamat din po sa mga umattend at nagbigay Oras na grade 1, grade 2 parents po.

Bukas po muli, magkakaron po ng parents orientation para sa grade 4 students, at para din po sa mga Hindi naka-attend ngayon araw.


28/07/2025
28/07/2025

Address

Lot 2, Blk 37, Katarungan Street Brgy 149 Bagong Barrio
Caloocan
1400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Barrio Lying In & Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram