01/12/2022
Para sa mga INC na umiibig sa Kapwa nila Kadiwa. ๐
"Aking Kapwa Kadiwang Iniirog"
Di natin masasabi kung kailan ka dadat'nan,
Ng pagsinta na kasiya-siyang maramdaman,
Ito'y bibiglain kana lamang,
Sa oras na hindi mo nalalaman,
Ang karamihan sa pagkakataong ito,
Sa mga oras na di ka handa at ika'y kuntento,
Tila ba ito'y biglang dudungaw sa puso mo,
Mabibighani ka't kaunting malilito,
Malilito, dahil magtatanong ka sa sarili,
Kung tunay na bang ang puso'y ngumingiti,
Kung ito ba'y resulta ng masusing pag-susuri,
Sa Binibining nabihag ang puso ko ng madali,
Ang puso'y agad-agad kong siniyasat,
Ang noo ko'y agad-agad kong sinalat,
Wala naman akong masakit at lagnat,
Ngunit tila nag bago ang ihip ng hanging habagat,
Aking napagtanto,
Totoo ang nararamdaman ko,
Ang tanong ngayon paano ko sisimulan ito?
Mapapansin niya kaya ang isang tulad ko?
Ako'y sumapat sa katagang "Bahala na",
Basta't gagawin ko lahat ng aking makakaya,
Di man ito maging sapat para sakanya,
Basta't ibibigay lahat ng aking pag-sinta,
Kaya aking marilag na Bini-bini,
Pakinggan mo ang pusong sa'yo'y na huhumali,
Pagmamahal ko'y kasing puti ng kalapati,
Walang ibang hangad kundi ika'y mapasaya't mapangiti.