14/01/2026
Bago pa man siya ipinanganak, nagsisimula na ang proteksyon ni baby.
Sa bawat bakuna ni Mommy, sa bawat checkup, at sa bawat payo mula sa doktor o midwife, unti-unting nabubuo ang depensa laban sa sakit.
Ang mga bakuna tulad ng Tetanus Toxoid (TT), Tetanus-Diptheria-Pertussis (Tdap), at Flu (Influenza) vaccine ay nagbibigay ng proteksyon hindi lang kay Mommy, kundi pati kay Baby sa sinapupunan.
Kapag kumpleto ang alaga at proteksyon sa unang 1,000 araw, mas malaki ang tsansa ng mas malusog, mas ligtas, at mas masiglang paglaki ni baby.
Naniniwala rin ba kayo na pag protektado si Mommy, protektado na rin si Baby? ๐