27/12/2025
PAALALA: First Aid Tips para sa mga NAKALUNOK ng Paputok 🚨🚑
Kapag may nakatulon o nakalunok ng paputok o anumang bahagi nito, gawin agad ang mga sumusunod:
❌ Huwag piliting isuka ang nalunok. Maaari itong magdulot ng pagkasunog o pinsala sa lalamunan.
❌ uwag magbigay ng pagkain, inumin, o gamot maliban kung may payo ng health professional.
✔️ Panatilihing kalmado ang pasyente at paupuin o pahigain sa komportableng posisyon.
✔️ Obserbahan ang mga sintomas tulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, hirap sa paghinga, pagkahilo, o pagdurugo.
✔️ Agad dalhin sa pinakamalapit na ospital o health facility, kahit mukhang maayos ang pakiramdam—maaaring may delayed na epekto ang kemikal ng paputok.
📌 Mahalaga: Ang paputok ay may kemikal na maaaring magdulot ng pagkalason at internal burns. Huwag mag-atubiling humingi ng agarang tulong medikal.
Sa pagsalubong sa Bagong Taon, iwasan ang paputok upang iwas disgrasya. Tandaan, bawat buhay ay mahalaga.