23/11/2025
Day 2 at PGH, Maraming dentist nga ang nagre-recommend ng sedation o minsan minor surgery setup kapag magpapa-bunot ng ngipin ang isang batang may autism dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Sensory Sensitivity
Maraming kids na may autism ang sobrang sensitive sa tunog, ilaw, vibration, at pressure. Sa pagbunot ng ngipin, may ingay ng drill, pressure, at maraming hawak sa bibig — puwedeng mag-cause ng meltdown, panic, o involuntary movement.
2. Difficulty Staying Still
Kailangan steady at hindi gagalaw sa extraction para maiwasan ang injury sa gums, lips, at nerves. Kung may possibility na kakabig, sisigaw, o biglang gagalaw, mas safe ang sedated.
3. Safety ng Bata at Dentist
Kapag hindi cooperative (hindi dahil ayaw, pero dahil overwhelmed), may risk na:
👉 masugatan ang cheek o tongue
👉 Hindi matapos ang procedure
Kaya sedation ensures controlled, safe, at mabilis na bunot.
4. Reduced Trauma / Anxiety
Para hindi maging negative experience ang dentist para sa bata. Kapag sedated, hindi nila maalala at mas smooth ang healing.
5. Deep Impactions or Multiple Extractions
Kung maraming ipapabunot o complicated ang position ng tooth, mas recommended talaga ang OR setup o Surgical Extraction.
👉 Ano Ang Difference ng Sedation vs Surgery Setup?
Sedation (IV/contactless sedation): Kalma, antok, hindi nagtantrum
Minor surgery setup (OR): Ginagamit kapag kailangan mas controlled environment, may monitoring, at mas safe sa kids with special needs.
Dahil di nga natuloy ang Oral/Dental Rehabilitation Minor Surgery nya nakaraan dahil sumakto sa Bagyong Uwan ay na re-sched nga kami ulet for admission kahapon and hoping Bukas ay matuloy na Ang procedure 🙏💗