21/02/2022
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS SA ATING OPERATION ALIS BUKOL :
Q. Libre po ba eto?
A. Ang operasyon po ay libre. Kasama sa libre ay ang surgeons at ang hospitalization. Ngunit bago po ma operahan kylangan po ng mga laboratories tulad ng cbc at iba depende po sa edad at kung my co-morbidities (highblood, mataas na sugar etc) , eto naman po ay hindi po libre. Ang swab po ay hindi din po libre ngunit ginawan po natin eto ng paraan at meron lang pong first come first serve sa swab. Ibig sabihin, my limit po ang bilang ng pasyenteng malilibre sa swab. Eto naman po ay compulsory, vaccinated po o hindi. Para po eto sa kaligtasan ng ating mga doctors.
Q. Ano po ang mga requirements?
A. Siguraduhin lang po na active ang Philhealth. Ibig sabihin magagamit po sa inyong admission. Para makasiguro , pumunta sa pinakamalapit na philhealth office sa inyo at ipa check po ang inyong status.
Q. Kylangan po ba pumunta kung magpapalista?
A. Pwede naman pong hindi, itext po ang mga sumusunod sa contact # +63 933 829 5044 :
1. Complete Name
2. Age /S*x
3. Address
4. Contact Number
5. bahagi ng katawan na may bukol
kung meron po kayong lumang ultrasound mas maigi na isali na lang din po sa inyong message at mag padala po ng picture ng bukol sa page na eto o sa Doc Cecille Rodrigo-Roldan kalakip po ng inyong pangalan.
Q. Kylangan po bang pumunta para sa screening?
A. Opo. dahil hindi po lahat ng bukol at pwedeng operahan. Priority parin po natin ang kaligtasan ng inyong mga pasyente.
Q. Kelan ang screening?
A. Tuwing Sabado meron po tayong assigned doctor na titingin po sa inyo. Kung hindi po kayo available,pwede po kayo mgpa check up Lunes hanggang Linggo 8-12nn. Wala po itong bayad.
Q. Ano po ang sasabihin namin pagdating sa ospital?
A. Kung magpapalista lang po kayo, iwan lang po ang mga detalye:
1. Complete Name
2. Age /S*x
3. Address
4. Contact Number
5. bahagi ng katawan na may bukol
kung meron po kayong lumang ultrasound ,sali nyo narin po
Kung pupunta po kayo ng 8-12nn at hindi nyo alam kung pwede po operahan ang inyong bukol, sabihin nyo po na magpapa check up po kayo ng bukol sabay po palista.
Q. Pagkatapos po magpalista or mag pa screen/check up ano po ang gagawin?
A. Mag-antay po kayo ng message galing sa amin kung kelan po pwedeng bumalik o pumunta sa ospital para sa karagdagang screening at clearance. Dito na po kami mgrerequest ng mga kylangan na laboratories depende po sa inyong condition at lokasyon ng bukol.
Q. May limit lang ba ang operation bukol?
A. Sa mga minor operations tulad ng lipoma, sebaceous cysts at iba pa , wala pong limit. Sa mga operasyon tulad ng thyroid/gallbladder/myoma at iba pang internal organs, meron po tayong limit.
Q. Ano ano po ang bukol na pwede?
A. Depende po sa bukol, kaya kaylangan po namin ma screen at makita ang bukol.
Q. Pwede po ba kahit hindi taga North Cotabato?
A. Open to all po eto,pero masmainam na sa sariling probinsya nyo po kayo magtanong ng libreng alis bukol dahil meron po tayong mga travel restrictions at quarantine protocols na sinusunod.
Q. Sa abril 22-23 lang po ba eto?
A. Hindi po, ngunit hindi po namin masasabi kung kelan ulit magiging available ang aming my kaibigang surgeons.
Sa mga karagdagang katanungan, pwede po kayong mg PM dito or sa # +63 933 829 5044 from 9am to 5pm .
Maraming Salamat sa inyo!