ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital

ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital, Health & Wellness Website, Aruga sa Kabataan, 5th Floor, OPD-PHU Bldg. , JBLMGH, Dolores, CSFP.

Our facility is dedicated to providing a safe, accessible, and youth-friendly environment that addresses the unique health needs of adolescents in our community.

19/09/2025

Ano ang gender role stereotypes at paano ito nakakaapekto sa ating mga kabataan?

Ang gender role sterotypes ay mga paniniwala o ideya na naglalarawan sa mga inaasahang papel o pag uugali ng mga tao batay sa kanilang kasarian. Ito ay maaring magdulot ng limitasyon sa mga pagkakataon at pagpipilian ng mga indibidwal at maaring magresulta sa diskriminasyon o hindi pagka pantay-pantay na trato sa bawat indibidwal. Ang mga paniniwalang ito ay matagal nang inaasahan sa lipunan base sa iyong kasarian. Pero sa makabagong henerasyon ng ating mga kabataan, ito ay unti-unti nang nagbabago; at nagiging malawak na ang mga pwede nilang gawin para sa kanilang pag unlad bilang indibidwal.

Ngayong , samahan nyo kami para panoorin ang maikling video patungkol sa gender role stereotypes para magkaroon kayo ng ideya kung ano nga ba ito. Kung may katanungan patungkol dito, huwag mag atubiling magpadala ng mensahe o bisitahin kami sa JBLMGH Aruga sa Kabataan.


Tuwing , magbabahagi kami ng mga videos na puno ng impormasyon para sa ligtas, mas wais at mas responsableng pamumuhay ng maga kabataan.

Kaya’t huwag palampasin, i-like, follow at share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.

# ArugaSaKabataan


12/09/2025

Ano nga ba ang Universal Newborn Hearing Screening Test at ano ang kahalagahan nito?

Ang Universal Newborn Hearing Screening Test ay isang pagsusuri na ginagawa sa mga bagong silang na sanggol upang malaman kung mayroon silang problema sa pandinig. Ang pagsusuring ito ay mahalaga upang matukoy ang mga sanggol na may hearing loss o problema sa pandinig nang maaga upang mabigyan sila ng tamang interbensiyon at suporta. Kung mayroong problema sa panding na nakita sa pagsusuri, maaaring kailanganin ng sanggol ang karagdagang pagsusuri at paggamot upang matulungan silang magakaroon ng normal na pandinig at pag-unlad ng wika at komunikasyon.

Ngayong , samahan nyo kami para panoorin ang maikling video patungkol sa Universal Newborn Hearing Screening para magabayan tayo patungkol sa pagsusuri na ito para sa ating mga bagong silang na sanggol. Kung may katanungan patungkol sa Newborn Screening Test bisitahin lang kami para magabayan namin kayo.

Tuwing , magbabahagi kami ng mga videos na puno ng impormasyon para sa ligtas, mas wais at mas responsableng pamumuhay ng maga kabataan.

Kaya’t huwag palampasin, i-like, follow at share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.

# ArugaSaKabataan


05/09/2025

Mga kabataan, alam nyo ba na meron tayong clinic dito sa JBLMGH na para sa mga batang limang taon gulang pababa?

Opo meron po tayong espesyal na serbisyo para sa mga batang limang (5) taon pababa na tintawag na Under Five Clinic. Ang taon na ito ang isa sa mga kritikal na taon sa mga bata dahil sa sakit at komplikasyon kaya bukas po ang clinic para sa inyong mga isasangguning karamdaman ng ating mga anak.

Ngayong , mga kabataan, samahan nyo kami para panoorin ang maikling video
patungkol sa Under Five Clinic lalo na sa mga kabataang maagang nagkaroon ng responsibilidad. Sama sama nating alamin ang mga serbisyo na binibigay ng clinic na ito para habang inaalagaan natin ang ating mga sarili, naaalagaan din nating mabuti ang ating mga supling.

Tuwing , magbabahagi kami ng mga videos na puno ng impormasyon para sa ligtas, mas wais at mas responsableng pamumuhay ng maga kabataan.

Kaya’t huwag palampasin, i-like, follow at share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.

# ArugaSaKabataan

30/08/2025
30/08/2025
30/08/2025

Ngayong patapos na ang Breastfeeding Month 🤱💙
Gusto naming ipakita sa inyo ang mga Breastfeeding Support Systems na mayroon dito sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital

✅ Ang JBLMGH ay isang certified Mother and Baby Friendly Health Facility
✅ at isa ring certified Mother and Baby Friendly Workplace!

Dito, sinisig**o naming may ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na suporta ang mga nanay at sanggol—dahil ang matagumpay na pagpapasuso ay hindi lang responsibilidad ng ina, kundi ng buong komunidad. 🌸

30/08/2025
29/08/2025

Mga kabataan, sino ang lagi ninyong nilalapitan at pinagkakatiwalaang sumuporta sa inyo sa inyong mga pinagdadaanang hamon sa buhay? 💭

Sa ating paglalakbay bilang kabataan, mahalaga ang may mga taong gabay—mga magulang, kapatid, g**o, doktor, at nars—na handang sumuporta at magturo ng tamang landas tungo sa mas maayos at mas matagumpay na bukas. 🌟

Ngayong , samahan kami sa isang maikling video tungkol sa mga taong pwedeng maging sandigan at kaagapay natin habang nilalakbay ang daan patungo sa ligtas at produktibong pagtanda.

👉 Huwag kalimutan i-like, follow, at i-share ang aming page para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan!



24/08/2025

🤱 Breastfeeding: Challenges at Praktikal na Tips para sa Nanay

Hindi madali ang journey ng pagpapasuso—may pagod, puyat, at minsan may duda kung sapat ba ang gatas. Pero tandaan, nanay, hindi ka nag-iisa. 💚

Sa video na ito, ibinahagi namin ang ilang praktikal na tips para mas mapadali ang breastfeeding at mas maging confident ka sa pag-aalaga kay baby. 🌱👶

👉 Panoorin at ishare sa kapwa nanay para sama-sama tayong magtagumpay sa pagpapasuso!

Address

Aruga Sa Kabataan, 5th Floor, OPD-PHU Bldg. , JBLMGH, Dolores
Csfp

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Telephone

+639179275144

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram