SOCCSKSARGEN General Hospital

SOCCSKSARGEN General Hospital The Official page of SOCCSKSARGEN General Hospital.

11/04/2026
‼️DOH, U.S. DEPARTMENT OF STATE, SANIB-PWERSA SA PAGPAPALAKAS NG TB RESPONSE SA BANSA‼️Bilang bahagi ng patuloy na koope...
11/04/2026

‼️DOH, U.S. DEPARTMENT OF STATE, SANIB-PWERSA SA PAGPAPALAKAS NG TB RESPONSE SA BANSA‼️

Bilang bahagi ng patuloy na kooperasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, ipinagkatiwala ng United States Department of State (US DOS) sa DOH ang suportang pangkalusugan para pagtibayin ang tuberculosis (TB) detection at mapalawak ang access sa gamutan kontra TB sa bansa.

Kabilang sa health commodities mula sa suporta ng US DOS ang:

✅TB medicines para sa 230,000 pasyente
✅12 ultraportable X-ray machines

Kaugnay nito ang pakikipagkasundo para sa katuparan ng Strategic Objective Agreement ngayong taon na mas pagtitibayin ang pagtutulungan ng dalawang bansa para sa pagtataguyod ng kalusugan ng mga Pilipino.





11/04/2026

‼️DOH: KAALAMAN AT PAGSISIKAP SA PAG-IWAS SA SAKIT, PINAKA EPEKTIBONG PARAAN TUNGO SA MAAYOS NA BUHAY‼️

Detalye sa comment section.

01/04/2026

“Kung dati, ang mga libreng serbisyong pangkalusugan ay tila isang pangarap na mahirap abutin; parang isang regalo na kung maswerte ka ay minsan sa isang taon mo lang natatanggap, ngayon kumakatok na ito sa iyong pintuan.

Dahil sa PuroKalusugan, ang kalusugan ay hindi na pribilehiyo ng iilan kundi tunay nang nagiging karapatan ng lahat. Dahil sa PuroKalusugan, ramdam na ng bawat Pilipino ang kalusugan kahit saan, kahit kailan.”

Panoorin ang ‘Kahit Saan, Kahit Kailan’, isang dokumentaryong handog ng Communication Management Unit ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN.



-CHDSOCCSKSARGEN

01/04/2026

‼️DOH-FDA: MAG-INGAT SA PEKENG ANTI-RABIES VACCINES!‼️

Sa halip na proteksyon, maaaring magdulot ng panganib sa katawan ang kahit anong pekeng bakuna at gamot.

Alamin sa video kung paano makasisigurong totoo at lehitimo ang mga bakunang binibili o ginagamit sa mga pasilidad.



01/04/2026

DOH, NAGPAALALA – MAY LAKAS SA PAGHINGI NG TULONG

Pag-usapan natin ang mga bagay na madalas nating sinasarili: pagod, lungkot, at mga pagkakataong gusto na nating umayaw.

Bakit?

Because, it’s okay not to be okay.

Baka may friend kang waiting lang sa 'Musta?' mo. Try mong i-message ngayon.





01/04/2026

‼️ ZBB, BUCAS, PUROKALUSUGAN, PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT PROGRAM, TULOY-TULOY ANG LIBRENG SERBISYO SA KABILA NG NATIONAL ENERGY EMERGENCY‼️

Tiniyak ni DOH Secretary Ted Herbosa na patuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng Zero Balance Billing (ZBB) sa basic accommodation ng lahat ng DOH Hospitals.

Magpapatuloy din ang libreng serbisyo ng mga Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Centers, ito man ay nasa DOH Hospital o Rural Areas.

Wala ring patid ang libreng primary care services ng PuroKalusugan na sanib-pwersang ginagawa ng DOH at LGUs.

Hinihikayat din ang lahat na magregister na sa PhilHealth YAKAP para maaccess ang benepisyo ng GAMOT program.




01/04/2026

‼️GAWING SAFE AT HEALTHY ANG SEMANA SANTA‼️

Ngayong Holy Week, iwasan ang anumang sakit o sakuna na pwedeng mangyari sa inyong mga mahal sa buhay.

Bago bumiyahe para sa Visita Iglesia, siguraduhing kumpleto ang mga kailangan—tubig, payong, gamot, at light snacks.

Kapag kailangan ng tulong, agad na tumawag sa National Emergency Hotline 911.




Address

Crossing Curva, Brgy. Dajay, Surallah, Province Of South Cotabato
Curva

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SOCCSKSARGEN General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to SOCCSKSARGEN General Hospital:

Share