Dr. Ryan Joseph Lirazan - Urogynecologist

Dr. Ryan Joseph Lirazan - Urogynecologist Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dr. Ryan Joseph Lirazan - Urogynecologist, Women's Health Clinic, Dagupan City.

Board-Certified Urogynecologist & Vaginal Surgeon

Helping women reclaim confidence through expert pelvic health care

CLINICS: Dagupan Docs Villaflor Hosp (Tues 2PM, Fri 6PM ☎ 0960-4093387), Nazareth Gen Hosp (Wed 2PM, Fri 4PM ☎ 0933-8681365) & ITRMC

πŸ¦ πŸ’– Good Bacteria sa Pwerta!πŸ‘‰πŸΌ Alam mo ba na may milyun-milyong good bacteria na natural na naninirahan sa iyong va**na? ...
13/09/2025

πŸ¦ πŸ’– Good Bacteria sa Pwerta!

πŸ‘‰πŸΌ Alam mo ba na may milyun-milyong good bacteria na natural na naninirahan sa iyong va**na? Ito ang tinatawag na va**nal microbiome, at ito ang responsable sa pagpapanatili ng tamang va**nal pH at pagprotekta laban sa impeksyon.

πŸ”¬ Ano ang ginagawa ng normal va**nal microbiome?
βœ… Pinipigilan ang bacterial at yeast infections
βœ… Tumutulong sa tamang va**nal lubrication
βœ… Nagpapalakas ng immune defense ng reproductive system
βœ… Tumutulong sa fertility at healthy pregnancy

Ito ang isang tip: kumain ng probiotic-rich foods, iwasan ang harsh feminine products, at i-maintain ang tamang hygiene upang maprotektahan ang iyong va**nal microbiome!

πŸ“Œ Mental Health at Pelvic Floor Function πŸ§ πŸ€πŸ§˜β€β™€οΈπŸ‘‰πŸΌ Alam mo ba na ang iyong mental health ay malaki ang epekto sa kalusuga...
30/08/2025

πŸ“Œ Mental Health at Pelvic Floor Function πŸ§ πŸ€πŸ§˜β€β™€οΈ

πŸ‘‰πŸΌ Alam mo ba na ang iyong mental health ay malaki ang epekto sa kalusugan ng iyong pelvic floor? Ayon sa isang pag-aaral, ang mga pasyenteng may chronic pelvic pain ay may mas mataas na insidente ng psychological conditions kumpara sa kanilang mga kaedad.

πŸ‘‰πŸΌ Narito kung paano konektado ang mental health at pelvic floor function:
βœ… Ang stress ay maaaring magdulot ng muscle tension, kabilang ang pelvic floor muscles, na maaaring magresulta sa pananakit at dysfunction.
βœ… Ang anxiety at depression ay nauugnay sa mas mataas na insidente ng pelvic floor disorders, tulad ng urinary incontinence at pelvic pain.
βœ… Kung may hindi magandang mental health, naiiba ang perception ng sakit na nagpapahirap sa inyong pelvic floor health

πŸ‘‰πŸΌ Mahalaga ang holistic approach sa kalusugan, iwasan din ang stress sa tamang relaxation and trigger avoidance. Magtanong sa inyong urogynecologist kung tingin mo apektado ang inyong pelvic floor ng inyong mental health.

26/08/2025
Ano ang Overactive Bladder (OAB) at Ano ang Sanhi Nito?πŸ‘‰πŸΌ Madalas ka bang mapa-ihi kahit kaunti lang ang lumalabas? Nara...
21/08/2025

Ano ang Overactive Bladder (OAB) at Ano ang Sanhi Nito?

πŸ‘‰πŸΌ Madalas ka bang mapa-ihi kahit kaunti lang ang lumalabas? Nararamdaman mo bang ito ng biglaan at ito ba ay mahirap pigilan? Baka ikaw ay may Overactive Bladder (OAB)!

πŸ‘‰πŸΌ Sanhi ng Overactive Bladder:
βœ… Mahinang pelvic muscles dahil sa panganganak, pagtanda, o operasyon
βœ… Nerve damage mula sa diabetes, stroke, o trauma
βœ… Caffeine o alak na maaring maka-irita sa bladder

πŸ‘‰πŸΌ Kung madalas kang maihi kahit hindi normal, huwag itong ipagsawalang-bahala! Magpakonsulta sa Urogynecologist para sa tamang diagnosis at gamutan.

πŸ“’ May kakilala kang may ganitong sintomas? I-share sa kanila ang post na ito!


πŸ“Œ Ang Botox ay puede din sa pantog! πŸ’‰πŸ©ΊπŸ‘‰πŸΌ Ang botulinum toxin (Botox) ay hindi lamang sa mukha epektibo. Maari din itong ...
14/06/2025

πŸ“Œ Ang Botox ay puede din sa pantog! πŸ’‰πŸ©Ί

πŸ‘‰πŸΌ Ang botulinum toxin (Botox) ay hindi lamang sa mukha epektibo. Maari din itong ginagamit bilang isang paggamot para sa overactive bladder, lalo na sa mga unresponsive sa oral therapy.

πŸ‘‰πŸΌ Paano nakakatulong ang Botox sa Overactive Bladder:
βœ… Ang Botox ay ini-inject sa pantog upang mapahinga ang mga muscles, binabawasan ang mga hindi kontroladong contraction na nagdudulot ng madalas na pag-ihi at urgency.
βœ… Ang epekto ng Botox ay tumatagal ng ilang buwan, na nagbibigay ng relief mula sa overactive bladder symptoms sa mga pasyente na hindi tumutugon sa ibang mga gamot.

πŸ‘‰πŸΌ Mahalaga ang konsultasyon sa isang urogynecologist bago subukan ang Botox upang matukoy kung ito ay angkop para sa iyong kondisyon. Kayo ba ay nakasubok na ng Botox? Kamusta naman ang inyong experience?

πŸ“Œ Epekto ng menopause sa pwerta at pantog? πŸŒΈπŸš»πŸ‘‰πŸΌ Sa Pilipinas, ang average na edad ng menopause ay 52 na taon, at ang mga...
07/06/2025

πŸ“Œ Epekto ng menopause sa pwerta at pantog? 🌸🚻

πŸ‘‰πŸΌ Sa Pilipinas, ang average na edad ng menopause ay 52 na taon, at ang mga pagbabagong hormonal sa panahong ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang sintomas.

πŸ‘‰πŸΌ Bakit ito nangyayari?
βœ… Ang pagbaba ng estrogen ay nagdudulot ng pagnipis at pagkawala ng elasticity ng mga tissue sa v***a, va**na, at urethra, na maaaring magresulta sa panghihina ng pelvic floor muscles.
βœ… Dahil sa panghihina ng pelvic floor muscles, maaaring makaranas ng stress urinary incontinence, kung saan may pagtagas ng ihi tuwing umuubo, bumabahing, o tumatawa.
βœ… Ang pagbaba ng estrogen ay maaaring magdulot ng iritasyon sa pantog, na nagreresulta sa madalas na pag-ihi o biglaang pagnanais na umihi.
βœ… Ang panghihina ng suporta sa pelvic floor ay maaaring magdulot ng pagbaba o pagluslos ng mga pelvic organs tulad ng matris o pantog.

πŸ‘‰πŸΌ Mahalaga ang tamang kaalaman at aksyon upang mapanatili ang kalusugan ng pelvic floor at pantog sa panahon ng menopause. Kung iyong naranasaan ang mga sintomas na ito, share naman ang iyong karanasan sa comments! ⬇️

πŸ“Œ Exercise ng pwerta sa inyong bahay! Ikaw ba ay may incontinence or may buwa? Pelvic floor exercise ang para sa iyo! Yu...
31/05/2025

πŸ“Œ Exercise ng pwerta sa inyong bahay!

Ikaw ba ay may incontinence or may buwa? Pelvic floor exercise ang para sa iyo! Yun lang hindi ito kayang gawin ng madami dahil hindi nila alam paano ang tamang paraan.

πŸ‘‰πŸΌ Narito ang ilang simpleng ehersisyo na makakatulong!

βœ… Kegel Exercises – Higpitan ang muscles na parang pipigilan ang pag-ihi, hawakan ng 5 segundo, saka dahan-dahang pakawalan. Ulitin ng 10 beses.
βœ… Bridge Pose – Humiga, tiklupin ang tuhod, itaas ang balakang habang ini-squeeze ang puwet at pelvic muscles. Ulitin ng 10-15 beses.
βœ… Squats – Tumayo nang tuwid, ibaba ang katawan na parang uupo, panatilihing tuwid ang likod. Gawin ng 10-15 ulit.
βœ… Pelvic Tilts – Humiga at dahan-dahang i-tilt ang pelvis pataas at pababa. Ulitin ng 10 beses.
βœ… Butterfly Stretch – Umupo, pagdikitin ang talampakan, at dahan-dahang i-lean forward para marelax ang pelvic muscles.

πŸ‘‰πŸΌ Kailngan ng consistency! Gawin ang mga ito araw-araw upang mapanatili ang lakas ng pelvic floor muscles at maiwasan ang mga problema. Alin sa mga ito ang iyo nang nasubukan?


πŸ“Œ Paano Nakakaapekto ang Pagbubuntis sa Pelvic Floor at Pantog? πŸ€°πŸ’§Ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng maraming pagba...
24/05/2025

πŸ“Œ Paano Nakakaapekto ang Pagbubuntis sa Pelvic Floor at Pantog? πŸ€°πŸ’§

Ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng maraming pagbabago sa inyong pelvic floor at pantog. Ayon sa isang pag-aaral, 70% ng mga buntis ay nakakaranas ng mga sintomas ng urinary incontinence o ang hindi ma-kontrol na pag-ihi.

πŸ‘‰πŸΌ Bakit ito nangyayari?

βœ… Habang lumalaki ang bata, nagbibigay ito ng pressure sa pelvic floor, na nagiging sanhi ng pagbagsak ng mga organsοΏ½βœ… Ang pagtaas ng hormone na progesterone at relaxin hormones ay nagpapalambot ng pelvic ligaments at musclesοΏ½βœ… Ang pagkakaroon ng mabigat na pressure o timbang sa pelvic area ay maaaring magdulot ng pag bagsak at pag hina ng pelvic floor

πŸ‘‰πŸΌ Bilang paghahanda, simulan ang mga exercise na magpapalakas sa pelvic floor kahit na buntis ka pa lang! Komunsulta sa urogynecologist para malaman kung paano.

🌸 Tips para panatilihiin maasim ang pwerta!πŸ‘‰πŸΌ May basis ang kasabihang β€œmay asim” pa pag ginawang patukoy sa pwerta. Ang...
17/05/2025

🌸 Tips para panatilihiin maasim ang pwerta!

πŸ‘‰πŸΌ May basis ang kasabihang β€œmay asim” pa pag ginawang patukoy sa pwerta. Ang natural na pH ng pwerta ay acidic at nasa pagitan ng 3.8 to 4.5 na pH.

🌿 Tips para natural na maging acidic ang inyong pwerta:

βœ… Kumain ng probiotic-rich foods – Yogurt, kimchi, at kefir fermented drinks para mapanatili ang normal na bacteria ng pwerta
βœ… Cotton underwear – Para sa air circulation at pinipigilan ang bacterial growth
βœ… Iwasan ang matamis at processed foods – Paborito ng yeast ang matamis
βœ… Gamitin ang tamang feminine wash – ang chemicals o artificial fragrances ay maaring makapatay ng normal na bacteria sa pwerta

πŸ‘‰πŸΌ Paalala na ang simpleng mga pagbabago sa daily habits ay may malaking epekto sa iyong va**nal health! Kung may nararamdaman kang kakaiba, kumonsulta agad sa isang Urogynecologist. Alin sa mga ito ang inyong ginagawa? πŸ’¬

🫧 Paano Gumagana ang Pantog?πŸ‘‰πŸΌ Alam mo ba na ang pantog ay isang mahalagang bahagi ng ating urinary system na responsabl...
10/05/2025

🫧 Paano Gumagana ang Pantog?

πŸ‘‰πŸΌ Alam mo ba na ang pantog ay isang mahalagang bahagi ng ating urinary system na responsable sa pag-tabi at pagpapalabas ng ihi. Ayon sa Philippine Urological Association, ang isang malusog na pantog ay maaaring mag-imbak ng hanggang 400-600 mL ng ihi bago ito magbigay ng signal para sa pag-ihi.

πŸ‘‰πŸΌ Paano gumagana ang inyong pantog:
βœ… Kapag ang ating pantog ay puno, nagpapadala ito ng signal sa utak upang ipaalam na oras na upang magbawas.
βœ… Ang mga kalamnan sa pantog ay lumuluwag upang mailabas ang ihi, habang ang sphincter muscles naman ay bumubukas upang dumaan ito sa urethra.
βœ… Pag nagkaroon ng problema ang ano mang parte ng systemang ito, maari itong mag magdulot ng incontinence (hindi mapigilan ang ihi) or voiding dysfunction (hindi maka-ihi).

πŸ‘‰πŸΌ Paalala: Kung madalas kang nakararanas ng mga problema sa pag-ihi tulad ng kawalan ng kontrol, pananakit, o madalas na pag-ihi sa gabi, kumonsulta sa isang Urogynecologist upang masuri at mabigyan ng tamang solusyon.

πŸ’¬ Ano ang madalas mong nararanasan na isyu sa iyong pantog? I-share sa comments! ⬇️

πŸ₯€ Mga Bawal (at tamang) Inumin Para sa Iyong Pantog! πŸ₯€πŸ‘‰πŸΌ Ang iniinom natin araw-araw ay may malaking epekto sa kalusugan...
03/05/2025

πŸ₯€ Mga Bawal (at tamang) Inumin Para sa Iyong Pantog! πŸ₯€

πŸ‘‰πŸΌ Ang iniinom natin araw-araw ay may malaking epekto sa kalusugan ng ating pantog! Ayon sa Philippine Society of Urogynecology and Reconstructive Pelvic Surgery, 30-40% ng mga babaeng may bladder problems ay may kaugnayan sa kanilang diet, lalo na sa iniinom nila.

πŸ‘‰πŸΌ Mga inumin na mabuti para sa pantog:
βœ… πŸ’§ Tubig – Ang pinakamahalagang inumin para sa malusog na pantog! Tumutulong itong linisin ang urinary tract at maiwasan ang impeksyon.
βœ… 🍡 Herbal tea (na caffeine-free) – Nakakatulong sa hydration at walang irritants sa pantog
βœ… πŸ₯› Gatas (lalo na ang low-fat) – May kasamang calcium na mabuti sa kabuuang kalusugan

πŸ‘‰πŸΌ Mga inumin na dapat iwasan:
❌ β˜• Kape – Mataas sa caffeine na nagpapairita sa pantog
❌ πŸ₯€ Soft drinks at energy drinks – May caffeine at artificial sweeteners na maaaring magdulot ng pagkulit ng pantog
❌ 🍊 Citrus juices – Ang sobrang asim ay maaaring magdulot din ng irritation sa bladder
❌ 🍷 Alak – Nakaka-dehydrate at maaaring magdulot ng overactive bladder

πŸ‘‰πŸΌ Kung madalas kang nakakaranas ng pananakit ng pantog o problema sa pag-ihi, maaaring konektado ito sa iyong mga inumin! Kumonsulta sa isang Urogynecologist para sa tamang payo tungkol dito.

πŸ’¬ Ano ang madalas mong iniinom sa isang araw? Nabanggit ba ito sa listahan? πŸ€”

Glad to help, doc Anjelica and doc Aileen! :)
30/04/2025

Glad to help, doc Anjelica and doc Aileen! :)

Address

Dagupan City
2400

Opening Hours

Tuesday 2pm - 4pm
Friday 6pm - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Ryan Joseph Lirazan - Urogynecologist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram