29/10/2022
Ano ang hepatitis?
Ang hepatitis ay isang sakit na nagdudulot ng inflammation ng liver o atay. Maliban dito, maaaring magdulot ang hepatitis fibrosis (scarring), cirrhosis o liver cancer. Ang hepatitis virus ay isa sa mga pinaka-common na sanhi ng hepatitis, subalit maaari din itong makuha sa infections, toxic substances (kagaya ng alak, drugs, etc.). Ang mga autoimmune diseases ay maari din magdulot ng hepatitis sa pamamagitan ng pag-produce ng antibodies laban sa liver o atay. May iba’t ibang klase ng hepatitis na tinatawag na type A, B, C, D, E at G. Ang mga ito ay pinangangambahan dahil sanhi ito ng sakit, pagkalat ng sakit at kung minsan, kamatayan. Dahil dito, importante malaman ang iba’t ibang ginagawa ng liver o atay.