27/11/2025
⚠️ Mahalagang Paalala sa Lahat ⚠️
Sa mga nagdaang araw, may ilang pangyayari na hindi namin pinalampas. May mga kahina-hinalang indibidwal na paulit-ulit na umiikot sa paligid, kinakausap ang aming staff, nagtatanong ng kung anu-ano, at tila maingat na inoobserbahan ang aming mga pasilidad at kagamitan.
Madalas silang naka-helmet, naka-motor, nakatutok sa kanilang cellphone—at dumadating sa iba’t ibang oras ng araw at minsan ay magkakasabay. Hindi namin ito ipinagwalang-bahala.
👉 Agad namin itong nai-report sa ating lokal na pulisya upang masiguro ang kaligtasan ng aming staff, mga kliyente, at ng buong komunidad.
Sa panahon ngayon na tumataas ang mga insidente ng krimen at panlilinlang, hindi na sapat ang pagiging kampante.
Kailangan nating maging mapagmatyag, maging alerto, at laging handang kumilos kung may napansin na kakaiba.
❗Paalala sa lahat:
Kung may napansin kayong kahina-hinalang tao, sasakyan, o kilos, huwag mag-atubiling ipagbigay-alam sa mga awtoridad.
Maliit na hakbang, pero malaki ang naitutulong sa kaligtasan ng lahat.
Ingat po tayong lahat. Stay safe, stay aware, and never let your guard down. 🙏