06/09/2025
SUNNAH MAGDASAL NG SALATUL KHUSOOF BUKAS NG GABI❗❗❗
👉 Bukas ng alas dyes ng gabi ay magkakaroon ng LUNAR ECLIPSE "Insha Allah"❗
Kabilang sa SUNNAH "mainam na gawin" sa panahon ng Eclipse ay PAGDASAL NG SALATUL KHUSOOF❗
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Kapag ito ay inyong nakita (eclipse) ay pangambahan ito at magmadaling magsagawa ng DHIKR (paggunita kay Allah), panalangin at humingi ng kapatawaran" Inulat ni Imam Albukhari.
-Ang pagsagawa ng SALATUL KHOSOOF ay SUNNAH MAUKKADA (isang mainam na SUNNAH)❗
-Maaari itong isagawa sa Masjid ng (Jamaa) at ipinahintulot din isagawa sa loob ng tahanan indibidwal (lalaki at babae ay maaaring magsagawa nito).
-Ang Salah na ito ay binubuo ng dalawang Rakaat na walang Adhan at Iqamah.
Sa isang Rakaat (isang tayo) ay may dalawang ulit na pagbabasa ng Fatiha at Soora at dalawang ulit ang pagsagawa ng Ruku (pagyuko) at dalawa ring pagsagawa ng Sujiud.
-Pagkatapos ng unang Rakaat ay muling Tumayo at isagawa sa pangalawang tayo na katulad ng ginawa sa unang tayo.
Pagkatapos ng Salah ay isasagawa ng Imam ang isang Khutbah at magsagawa ng Dua.
Kung ang pagdasal ay indibidwal ay hindi na magsagawa ng Khutbah
👉👉SIMPLING PAMAMARAAN NG PAGSAGAWA NITO:
a-magsagawa ng Niyyat (isapuso o isaisip ang gawaing Salah at walang Niyyat na bibigkasin)
b-Bigkasin ang Takbir “Allahu Akbar”
c- Basahin ang Fatihah nang malakas o katamtaman kung ikaw lang mag-isa gayundin sa mga kababaihan
d- Mainam na bumasa ng mahabang Soorah
e- Magsagawa ng pagyuko “Ruku” (mainam na patagalin ito)
f-Muli ay bumangon mula sa pagsagawa ng Ruku
g- Basahin muli ang Fatihah at dugtungan ng panibagong Soorah na mas maiksi kumpara sa unang binasa
h-Magsagawa ng pagyuko “Ruku”
i- Muli ay bumangon mula sa pagsagawa pagyuko “Ruku”
j- Magsagawa ng dalawang Sujiud sa tuwing mag Sujiod ay pahabain ito.
k- Muling tumayo at isagawa ang Pangalawang Rak’ah tulad ng isinagawa sa una, Subalit ito ay mas maiksi ang pagsasagawa kumpara sa unang tayo
l-Pagkatapos magsujiod sa Huling Sujiod ay umupo at mag-tashahhod at magsagawa ng Tasleem “Salam”.
Ang kabuuwan sa isang Rakaat ay:
2x Fatiha, 2x Soorah, 2x Ruku, 2x Sujiod
Ang kabuuwan ng dalawang Rakaat o buong Salah ay:
4x Fatiha, 4x Soorah, 4x Ruku and 4x Sujiod
-Kapag ikaw ay huling dumating sa Masjid at may nakaligtaan kang Rakaat, ay kumpletuhin lamang ito ng panibagong Rakaat pagkatapos magsalam ng Imam.
-Ang pagdasal ng Salatul Khusof ay walang pinipiling panahon, kahit pa sa panahon na ipinagbawal ang pagsasagawa ng Salah ay maaari itong isagawa.
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "فإذا رَأَيْتُمْ شيئًا مِن ذلكَ، فافْزَعُوا إلى ذِكْرِهِ ودُعائِهِ واسْتِغْفارِهِ" صحيح البخاري
Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti
゚viralシfypシ゚viralシalシ