07/04/2026
๐๐๐ง๐ข๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ
๐
๐ฅ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐๐, ๐๐๐๐
Matapos ang paggunita ng Mahal na Araw, muling nagbigay-pugay sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas ang Batangas Medical Center (BatMC) sa pangunguna ng Professional Education, Training and Research Unit (PETRU), ngayong araw ng Lunes, ika-6 ng Abril 2026, sa Materials Management Open Ground, BatMC Compound.
Naging masigla ang pagbubukas ng linggo sa pangunguna ng On-the-Job (OJTs) mula sa Public Administration Program ng Batangas State University sa isinagawang morning exercise.
Sa mensahe ni Dr. Maritess Teresita M. Torio, Medical Center Chief II, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabalik na may bagong lakas at inspirasyon upang patuloy na makapaghatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
Opisyal namang inilunsad ang PETRU Month 2026 na may temang โCare, Serve, and Heal,โ na pinangunahan ni Dr. Teresita Risalyn V. Villanueva. Layunin ng mga nakaplanong aktibidad na higit pang paigtingin ang kultura ng patuloy na pag-aaral, pagtutulungan, at serbisyong may puso sa loob ng institusyon.
Kasabay nito, inilunsad din ang Public Information and Brand Committee (PIBC) sa pangunguna ni Dr. Villanueva, kasama si Dr. Michael Angelo J. Arteza. Ang nasabing komite ay binubuo ng apat na sangay kabilang ang Audio-Visual Production, Content Development and Creative, Public Information and Communications, at Branding Stewardship, ganoon din ang mga itinalagang kinatawan ng dibisyon at sekretariat. Ang komiteng ito ay magsisilbing pangunahing tagapag-ugnay at tagapamahala ng mga inisyatiba sa komunikasyon, impormasyon, at pagpapalakas ng pagkakakilanlan ng BatMC, upang matiyak ang malinaw, maayos at iisang direksyon ng mensahe ng institusyon.
Nagbahagi rin ng mahahalagang anunsyo si Dr. Lorybeth Gonda ng Planning Management Unit (PMU), hinggil sa mga uri ng cancer screening tests para sa mga rehistradong miyembro ng PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program). Kabilang dito ang mammography at breast ultrasound para sa breast cancer, low dose chest CT scan para sa lung cancer, colonoscopy (matapos ang positibong FIT o FOBT) para sa colorectal cancer, at liver ultrasound at alpha fetoprotein para sa liver cancer.
Ang mga hindi pa miyembro ng YAKAP ngunit miyembro ng PhilHealth o may request mula sa pribadong doktor ay maaaring makagamit ng serbisyo sa unang pagkakataon lamang, kayaโt hinikayat din ni Dr. Gonda ang mga pasyente at empleyado na magparehistro sa nasabing programa upang masigurong tuloy-tuloy ang benepisyo. Saklaw din nito ang mga dependiyente ng empleyado, alinsunod sa itinakdang pamantayan at pagsusuri ng Employees Clinic.
Ipinaliwanag ni Dr. Hanicarl Castro-Buhay ng Outpatient Department, ang aprubadong proseso ng cancer screening participation sa BatMC. Kabilang dito ang pagkuha ng request mula sa OPD, BUCAS, Employees Clinic, o pribadong klinika; pagpunta sa Laboratory o Radiology para sa iskedyul; pagproseso ng mga dokumento sa araw ng iskedyul; pagkuha ng Claim Signature Form (CSF) sa Billing; pagsasagawa ng screening test; at muling pagbalik sa Billing matapos ang proseso.
Inanunsyo din ang mga nanalo sa BatMC Employees Multi-Purpose Cooperative (BatMCEMPC) 2026 Elections, kasunod ng matagumpay na General Assembly noong ika-26 ng Marso. Nanguna sa Board of Directors si G. Nicoleo Villena, kasama sina Bb. Angelica D. Mendoza, G. John Kenneth Viรฑas, at Bb. Jackie Lynne Asis. Para naman sa Election Committee, nahalal sina Bb. Michelle Benolo, Bb. Michelle Catulin, at G. Christopher Valencia. Samantala, sa Audit Committee, nanalo sina Dr. Ana Maria Clara Palacios, Bb. Monina Mendez, at Bb. Reham Kristel Tumambing. Isinagawa ang kanilang panunumpa sa katungkulan sa pangunguna ni Dr. Torio, bilang tanda ng kanilang pangako sa katapatan, integridad, at tapat na paglilingkod sa mga miyembro.
Ang araw na ito ay muling nagbigay ng panibagong lakas, pag-asa, at mas matibay na paninindigan sa bawat empleyado upang patuloy na makapaglingkod para sa kalusugan ng komunidad.