06/01/2026
Psalm 91 💜 YEHSHUA 💜 Yes 🇺🇲President Trump You are The Man.! God Bless Guide and Protect You Always.! And the 🇺🇲States. 🇵🇭Philippines current leader Next Please. Thank You Sir.! We Love Our Children and GrandChildren , Our Family , Our 🇵🇭Country So Much. God Save The 🇵🇭Philippines.! 👍💜💖🇵🇭🇺🇲🌍💯
U.S., SINUNOD ANG SARILING BATAS—TINIKLO SI MADURO!
Pagdakip sa lider ng Venezuela, binatikos bilang lantad na paglapastangan sa international law!
ISANG matapang pero ilegal na hakbang—ganito inilalarawan ang operasyon ng U.S. military noong Enero 3 na humantong sa pagdakip kay Venezuelan President Nicolás Maduro at misis nitong si Cilia Flores. Mas lalong umani ng batikos ang pahayag ng administrasyong Trump na sila ang “mamamahala” muna sa Venezuela at target pang kontrolin ang langis ng bansa.
Sa ilalim ng international law, nananatiling soberanong estado ang Venezuela, kasama ang karapatan nito sa sariling likas-yaman. Ngunit imbes na sumunod sa pandaigdigang batas, umasa ang U.S. sa sariling domestic laws, kabilang ang 2020 indictment laban kay Maduro, para bigyang-katwiran ang operasyon.
Ikinabigla ng mundo ang mabilis na pag-aresto, paglipat, at pagproseso kay Maduro sa New York sa loob lamang ng 24 oras, isang hakbang na halos walang kapantay sa kasaysayan. Kritiko ang nagsasabing sinantabi ng U.S. ang head-of-state immunity at pandaigdigang panuntunan para itulak ang sariling interes at kapangyarihan.