08/11/2025
๐ง๏ธ WEATHER ADVISORY | TROPICAL CYCLONE โUWANโ ๐ง๏ธ
Ipinahayag ng PAGASA ngayong 11:00 AM, Nobyembre 8, 2025
Patuloy na magdudulot ng malalakas na pag-ulan ang bagyong Uwan sa malaking bahagi ng bansa mula ngayon hanggang Martes, Nobyembre 11. Asahan ang torrential rainfall lalo na sa Bicol Region, Northern Luzon, at ilang bahagi ng Visayas.
โ ๏ธ Babala: Maaaring mas mataas ang ulan sa mga bulubunduking lugar at maaari itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na pamahalaan na maging alerto at handa sa anumang panganib.
๐ง Tandaan: Ang Weather Advisory ay nagbibigay ng 24-oras na pagtataya sa antas ng ulan, samantalang ang Heavy Rainfall Warning ay tumutukoy sa mga susunod na tatlong oras gamit ang Doppler radar.
Maging mapagmatyag, manatiling ligtas, at alamin ang pinakahuling ulat mula sa PAGASA.