05/06/2025
📣LOOK: Iniulat ng Provincial Health Office (PHO) na wala nang aktibong kaso o hinihinalang kaso ng monkeypox (MPox) sa Sultan Kudarat.
Hunyo 3, 2025
Kinumpirma ni Wendell Joe Donguines, Health Education Officer ng PHO, na ganap nang gumaling ang tatlong kumpirmadong pasyente ng MPox.
Ang mga kaso ay unang naiulat sa Lungsod ng Tacurong at bayan ng Bagumbayan. Sumailalim sa isolation ang mga pasyente at mahigpit na minonitor ng mga awtoridad pangkalusugan hanggang sa sila ay tuluyang gumaling.
"Ayos na ang lalawigan, wala na tayong kaso ng MPox," ani Donguines. "Gayunman, hinihikayat pa rin namin ang publiko na huwag maging kampante. Nananatili pa rin ang posibilidad ng hawahan."
Pinaalalahanan ng PHO ang mga residente na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocol gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa malapitang pakikisalamuha sa mga nagpapakita ng sintomas, at agarang pag-uulat ng mga hinihinalang kaso.
Para sa tulong o katanungan, maaaring tumawag ang mga residente sa One Hospital Command Center (OHCC) sa numerong +63 966 394 2783 o makipag-ugnayan sa kani-kanilang City/Municipal Health Office.
| mula sa PHO - Sultan Kudarat
LOOK: Iniulat ng Provincial Health Office (PHO) na wala nang aktibong kaso o hinihinalang kaso ng monkeypox (MPox) sa Sultan Kudarat.
/Hunyo 3, 2025