09/10/2025
Mas pinalawak na access sa gamot para sa bawat Pilipino. ๐
Iprinisenta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang MOU para sa Regulatory Sandbox Pilot Program for Flexible Supervision of Pharmacies, isang inisyatibong magpapalawak sa access ng mga mamamayan sa essential medicines lalo na sa mga lugar na kulang sa mga licensed pharmacists.
Sa ilalim ng programang ito, maaaring mag-supervise ng maramihang botika ang mga lisensyadong pharmacist sa pamamagitan ng telepharmacy at video supervision, isang hakbang upang mapunan ang kakulangan ng humigit-kumulang 27,500 pharmacists sa bansa.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Food and Drug Administration (FDA), Professional Regulation Commission (PRC), at mga partner mula sa pribadong sektor, bilang patunay sa pagtutok ng administrasyon sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.
๐๐๐
๐ Mas Pinalawak na Access sa Gamot, Mas Malawak na Gampanin ng Pharmacists!
Ipinakilala na ang Regulatory Sandbox Pilot Program kung saan puwedeng mag-supervise ng maramihang botika ang isang pharmacist gamit ang telepharmacy at video supervision. ๐ฉโโ๏ธ๐ฑ
Bilang pharmacist, exciting ito โ pero may pros and cons din na dapat nating paghandaan:
โ
Advantages:
๐ Mas maraming lugar ang maaabot natin, lalo na โyung walang pharmacist.
๐ Mas flexible ang trabaho at may bagong career opportunities.
๐ Nasa frontline tayo ng healthcare innovation!
โ ๏ธ Disadvantages / Challenges:
๐ฐ Mas mabigat na responsibilidad at mas mataas ang risk.
๐ฐ Limitado ang patient interaction sa on-site setup.
๐ฐ Posibleng maapektuhan ang hiring o sahod kung isa lang mag-supervise ng marami.
๐ฐ Kailangan ng malinaw na gabay sa legal at ethical side.
Bagong yugto ito para sa ating mga pharmacist โ modern, digital, pero dapat laging may puso at integridad para sa pasyente. โค๏ธ