15/08/2017
TIPS PARA SA MGA MAG ASAWANG HIRAP MAGKAANAK
Ang pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap ng magkapareha. Ang anak ay bunga ng pagmamahalan ng isang magkapareha na bubuo sa isang kumpletong pamilya. Ngunit sa kasamaang palad, may ilang mga magkapareha na tila nahihirapan makabuo ng anak. Malungkot man isipin ngunit ito ang malungkot na katotohanan.
Upang mapataas ang posibilidad ng pagbubuntis, narito ang ilang mabisang TIPS muka sa mga eksperto.
1. MAGPASURI SA DOCTOR.
- Ang pangunahing hakbang para sa mga pares na hirap makabuo ng anak ay ang pisikal na pagpapatingin sa doktor. Mahalaga ito upang matukoy kung mayroong problema sa kalusugan ng isa man sa magkapareha, problema sa kalusugan na nakakaapekto sa abilidad ng pagbubuntis. Bukod pa rito mabibigyan din ng doktor ang magkapareha ng ekspertong payo na tiyak na makakatulong sa kanila sa pagbuo ng anak.
2. MAKIPAGTALIK SA TAMANG PANAHON.
- Mas mataas ang posibilidad ng pagbuo ng anak kung gagawin ang pakikipagtalik sa panahon kung kailan lumalabas ang itlog (egg cell) ng babae mula sa obaryo. Ang panahon na ito ang tinatawag na ovulation period ay nakapaloob sa 28-31 na araw ng menstrual cycle ng mga babae. Ang ovulation period ay kadalasang nagaganap pagkatapos ng 7 araw mula sa huling araw ng pagreregla.
3. ANG MGA LALAKI AY MAGLAAN NG 2-3 ARAW NA PAGITAN SA BAWAT PAGPAPALABAS NG SEMILYA.
- Hindi rin mabuti na araw arawin ang pagpapalabas ng semilya ng mga lalaki. Sapagkat kailangan din ng katawan ng lalaki na mapalitan ang semilya na nilabas. Upang makasigurado na sapat ang dami ng semilya na ilalabas, bigyan ng 2-3 na araw ang pagitan ng bawat pagpapalabas.
4. UMIWAS SA STRESS.
- Ang stress ay tiyak na makakaapekto sa kalusugan ng pangkalahatan. Kabilang na dito ang kakayanang makabuo ng anak. Halimbawa ang libog o libido na nararamdaman ng magkapareha ay maaaring mawala kung masasabayan ng stress. Alamin ang mga paraan para maiwasan ang mga stress: Pagrerelax kontra stress.
5. HUWAG MADALIIN ANG PAGTATALIK.
- Bigyan ng oras at huwag madaliin ang pagtatalik. Mas marami ang mailalabas na semilya gayundin ang orgasmo ng babae kung ang pagtatalik ay gagawin ng buo at hindi minamadali.
6. HUWAG HAYAANG MAINITAN ANG ARI NG LALAKI.
- Ang semilya ay sensitibo sa init, maaaring mamatay ang mga semilya kung maapektuhan sila ng pagtaas ng temperatura. Ito ang dahilan kung bakit nasa labas ng katawan ang itlog (te**es) ng lalaki at nababalot lamang ng bayag sa halip na nakapasok sa loob ng katawan.
7. IWASAN ANG MGA MASAMANG BISYO- SIGARILYO, ALAK at DROGA.
- Ang masamang bisyo gaya ng paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, pati na ang paggamit sa mga nakasasamang droga ay may direktang epekto rin sa abilidad ng magkapareha na makabuo ng anak. Ang hormones ay maaaring maapektuhan at mapaliit ang posibilidad ng pagbuo ng anak.
8. SUBUKAN ANG IBANG POSISYON.
- Ang posisyon sa pakikipagtalik ay may epekto rin sa kakayanan na makabuo ng anak. Maaaring hindi umaabot sa loob ng matres ng babae ang semilya at tumulo palabas kung mali ang posisyon na ginawa. Magbasa tungkol sa ligtas na pagtatalik: Kaalaman tungkol sa ligtas na paraan ng pakikipagtalik.
9. PANATILIHIN ANG MALUSOG NA PANGANGATAWAN NG MAGKAPAREHA.
- Ang pagkain ng balanse at masusustansyang pagkain, gayun din ang regular na pag-eehersisyo ay hindi nawawala sa mga tips ng doktor. Sapagkat talaga namang nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, kabilang na ang abilidad na makabuo ng anak.
10. IWASAN ANG BASTA-BASTANG PAGGAMIT NG PAMPADULAS.
- May ilang magkapares na gumagamit ng pampadulas sa kanilang pagtatalik. Ang paglangoy ng semilya papasok sa matres ng babae ay maaaring maapektuhan kung basta bastang gagamit ng mga ito. Kung nais gumamit ng pampadulas, tiyakin na rekomendado ito ng doktor.
------------------------
👉Ang FIRST VITA PLUS MELON JUICE DRINK ay nakakatulong para sa mga mag-asawang nahihirapan o gustong magkaanak.
👉 Irregular at mahinang menstruation
👉 Matagal na buwanang dalaw
👉 Masakit at mahirap sanhi ng dysmenorrhea
👉 PCOS, Myoma Cyst
Want to recover faster and see results quicker?
Avail our Power Pack Package (consist of 12 boxes)
Buy 10 boxes get 2 boxes for FREE and GET 25% Discount Lifetime!
Basahin sa comment ang mga kumento o testimony ng ilan sa libo-libo ng natulungan ng First Vita Plus na magkaroon ng Anak.
Guaranteed AUTHENTIC!
👍Beware of imitation: Para makasigurado sa bibilhing produkto, bumili lamang DIRECT sa aming AUTHORIZED DEALERS.
👍If you do not know any dealer mear you, order from us ONLINE.
AVAILABLE ONLINE THROUGH THIS PAGE.
For more info about this amazing product, And faster transactions:
Contact: Mr. Jason Jangao
👉☎️📨 09204455657 / 09272629184