24/01/2021
Problema sa Prostate
(Share and Tag a Friend)
Ang prostate gland ay isang organo na kasinglaki ng castanas. Nakabalot ito sa daanan ng ihi ng lalaki (urethra).
Karamihan ng lalaking edad 45 pataas ay nagkakaroon ng bahagyang paglaki ng prostate (Benign Prostate Hypertrophy). Ito’y dala ng pagbabago sa hormones ng lalaki kapag umeedad.
Ang sintomas ng lumalaking prostate ay ang madalas na pagihi, at pakonti-konti ang labas. Humihina din ang daloy ng ihi at parang hindi kumpleto ang iyong pag-ihi. Sa mga may edad, madalas silang gumising sa gabi para umihi.
Ito ang mga paraan para alagaan ang ating prostate:
1. Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang iyong pantog at bato.
2. Uminom ng 8 basong tubig sa isang araw para manatiling malinaw ang iyong ihi.
3. Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti sauce. Mataas ito sa lycopene. Kailangan kumain ng 10 kutsarang tomato sauce bawat linggo.
4. Uminom ng green tea (decaffeinated) imbis na kape. Panlaban sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxins sa katawan.
5. Kumain ng mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.
6. Kumain ng isda kaysa karne.
7. Umiwas sa matataba at matatamis na pagkain. Iwas sa soft drinks, iced tea at cakes.
8. Umiwas sa alak at kape. Nakaka-irita ito ng prostate.
Natural na lunas sa prostate:
1. Saw Palmetto - Ayon sa Journal of the American Medical Association, ang pag-inom ng saw palmetto ay nakababawas sa sintomas ng lumalaking prostate. Ang saw palmetto ay napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finasteride (brand name Proscar) na nirereseta ng doktor.
2. May tulong din ang mga natural remedies tulad ng Pygeum, Nettle root at Pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng multivitamin na may zinc.
Medikal na gamutan sa prostate:
Kumonsulta muna sa isang Urologist bago uminom ng mga gamot na ito.
1. Terazosin (Brand name Hytrin) – Mabilis ang epekto ng Hytrin para pagandahin ang daloy ng iyong ihi. Halos 1 o 2 araw lang ay may pagbabago na.
2. Finasteride (Proscar) o Dutasteride (Avodart) - Binibigay ito sa mga pasyenteng malaki na talaga ang prostate. Kailangan itong inumin ng ilang buwan bago mapaliit ang iyong prostate.
May kamahalan ang mga gamot sa prostate (halos P100 bawat tableta). Sana ay mapababa ang presyo ng gamot para mas marami ang matulungan nito.
Kapag hindi nakuha sa gamot ay may ginagawang Laser treatment ang mga Urologist (iniinit ang prostate). Huwag matakot at kumonsulta muna sa iyong Urologist.
Uminom ng BM Max Juice (Ang recommended dosage ay uminom ng 2-3 bottle caps (takip ng bote) sa umaga, at 2-3 bottle caps naman sa gabi at pasundan ng isang basong tubig.
Organic Way Of Living: nkakatulong ang "BM Max Juice" sa mga sakit katulad ng Cancer, Myoma, Gall Stone, Kidney Stone Problems, Hypertension/High Blood Pressure, Asthma, Bukol sa kahit saang parte ng katawan, Panginginig ng katawan, Diabetes, High Cholesterol, Prostate Problem, UTI, Stroke, Lupus, Goiter, Tumor, Cyst, and other degenerative diseases.
FOR FASTER TRANSACTION, please do message us. Thank you. 🙂
➡ We accept CASH ON DELIVERY NATIONWIDE