05/11/2025
Ngayong National Children’s Month, makiisa sa laban kontra OSAEC at CSAEM! Turuan ang mga bata ng tamang pag-iingat at pagtukoy sa mga kahina-hinalang aktibidad online. Isumbong agad sa awtoridad ang anumang pang-aabuso.
Ang online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM) ay isa sa mga seryosong banta sa mga kabataang Pilipino. Dahil sa madaling access sa internet at gadgets, mas tumataas ang panganib na mabiktima sila nito.
Maging responsible adults! Sundin ang mga paraan para mapanatling ligtas ang mga bata sa digital world.