02/12/2023
Ang LAGNAT, UBO, SIPON, PAMAMAGA NG LALAMUNAN, PANANAKIT NG KALAMNAN O KATAWAN, PANANAKIT NG ULO, PAGKAPAGOD, PAGSUSUKA AT PAGTATAE ay mga sintomas ng TRANGKASO.
Mga dapat gawin upang maiwasan ang TRANGKASO:
1. Magpabakuna para sa trangkaso taon-taon.
-Inirerekomenda ang bakuna para sa lahat ng taong may edad na anim na buwan pataas.
2. Maging malinis sa katawan at kapaligiran.
-Gumamit ng tissue o gamitin ang itaas na bahagi ng iyong braso (siko) bilang pantakip kapag umuubo o bumabahing ka, ugaliing hugasan ang iyong mga kamay, iwasan ang mga may sakit, at linisin ang mga bagay at surface na madalas hawakan.
3. Uminom ng mga gamot para sa virus kung magrereseta ng mga ganito ang provider ng iyong pangangalagang pangkalusugan.
-Tiyaking susundin mo ang mga tagubilin ng doctor at pharmacist sa pag-inom ng mga gamot na ito.
Ano ang dapat kong gawin kung magkakaroon ako ng trangkaso?
1. Manatili sa loob ng bahay.
2. Magpahina nang mabuti.
3. Uminom ng maraming tubig.
4. Magpa-konsulta sa doctor kung kinakailangan ng gamot laban sa virus.
I-like ang aming page para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kalusugan at mga gamot.