22/09/2025
Nandito po ako ngayon, dala ang tinig ng bawat Ina, mga anak, at pamilya na aming kinakatawan, upang manindigan laban sa Katiwalian. Bilang mga ina, alam namin kung gaano kahalaga ang pag-aalaga, ang katapatan, at ang pagbibigay ng tama at sapat sa ating mga anak: Kakarampot na binabadget para ma bigyan ng Tamang nutrisyon ang ating pamilya; Saan magpapaaral nang hindi sira sirang klassroom at mediocre na mga libro; everytime na uulan, mag iisip kung malulubog naman sa baha; Kalusugan ng buong pamilya ang dinadala natin. Sa kabila nito ay ibinibigay natin ang dalisay at totoo para sa kalusugan, kaligtasan, at kinabukasan ng ating mga anak at pamilya. Ganoon din sana ang pamamahala sa ating bayanโdalisay, tapat, at walang bahid ng pandaraya.
Ramdam ng mga pamilya ang bigat ng katiwalian. Ang pondo para sa pagkain, kalusugan, at edukasyon ay nauubos sa maling kamay. Sa bawat pisong nawawala sa kaban ng bayan, may isang batang hindi nabakunahan, may isang nanay nagtitipid sa kanyang mga personal na pangangailangan, may isang pamilya na gutom, walang sapat na nutrisyon, edukasyon at oportunidad.
Kami, bilang mga ina, ay naninindigan: ang katiwalian ay hindi lang usapin ng pamahalaanโito ay usapin ng kinabukasan ng ating mga anak. Hindi kami mananahimik habang ang kanilang kinabukasan ay ninanakaw.
Kayaโt sa ngalan ng mga nanay na kasama namin, kami ay nananawagan: Itigil ang katiwalian. Pahalagahan ang pondo para sa kalusugan, nutrisyon, at edukasyon. Pairalin ang tapat na pamumuno at wastong paggamit ng yaman ng bayan.
Sa aking mga kapwa ina, gaya ng pag-aalaga natin sa ating mga anak, sama-sama rin tayong magbantay at magtanggol sa kinabukasan nila. Huwag nating hayaang malason ng katiwalian ang ating lipunan. Ang laban na ito ay laban ng bawat pamilya.
Ang batang Nagabayan ng tama, nabigyan ng sapat nutrisyon, ay lalaking tapat at di boboto sa korap.