12/02/2026
❣️ FEBRUARY | Philippine Heart Month
Ngayong buwan ng Pebrero, sabay-sabay nating ipagdiwang ang Philippine Heart Month! Paalala ito sa lahat na ang ating puso ay hindi lang para sa pagmamahal - ito rin ang nagpapanatili ng ating lakas araw-araw.
Sa simpleng paraan, maaalagaan natin ang puso:
✅ Kumain ng masustansya at iwasan ang sobrang alat at taba.
✅ Maglaan ng oras sa paggalaw at pag-eehersisyo.
✅ Iwas bisyo at panatilihin ang tamang timbang.
✅ Magpa-check up kung kinakailangan.
Paalala mula sa Malay (Tabon, Caticlan) Primary Care Facility: Kung gusto nating mas tumagal ang kilig, mas tumagal din dapat ang tibok ng ating puso - sa tamang paraan! 😄