01/11/2025
𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐁𝐒𝐓𝐄𝐓𝐑𝐈𝐂𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐘𝐍𝐄𝐂𝐎𝐋𝐎𝐆𝐘
Ipinapabatid po sa publiko na isasailalim sa nakatakdang paglilinis at infection control procedures ang Obstetrics (OB) IE Room, OB Admitting Section, OB Labor Room-Delivery Room Complex, at OB Ward ng Pasig City General Hospital (PCGH).
Kaugnay nito, pansamantalang lilimitahan ang operasyon sa mga nabanggit na pasilidad simula sa November 3, 2025 (Lunes), sa ganap na 12:01AM, hanggang sa November 5, 2025 (Miyerkules), sa ganap na 11:59PM.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa panuntunan ng Infection Prevention and Control Unit ng PCGH upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.
Samantala, muling babalik sa normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa November 6, 2025 (Huwebes), sa ganap na 12:00MN.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.