21/07/2021
10 PAALALA SA MGA HUMIHINGI NG MEDICAL CERTIFICATE:
1. Kailangang personal naming makita ang pasyente bago kami makapag-issue ng medical certificate.
2.Tanging ang mga totoong findings lamang ang maaari naming ilagay sa medical certificate. Hindi pwedeng lagyan namin ng hika ang pasyente kung wala naman itong hika para lang masunod ang gusto ninyo. Huwag mo kaming gawing sinungaling.
3.Huwag utusan ang doktor sa mga gusto niyang ilagay sa medical certificate unless gusto mong ikaw na lang ang maging doktor at ako na lang ang pasyente para ikaw na lang gumawa ng medcert.
4.Huwag mong papiliin ang doktor kung anong magandang sakit na kapanipaniwala. Hindi ito exam na multiple choice. Katotohanan lang ang ilalagay namin sa medical certificate.
5.Mayroon pong tamang oras ng pagkonsulta para sa non-urgent concerns. Maawa po kayo sa doktor. Hindi po oras ng paghingi ng medical certificate ang hating-gabi. Kung sa government hospital ka pupunta, 8am-5pm lamang maaaring magpa-medical certificate. Kung sa private, least priority ka or at least pumila ka.
6.Hindi namin pwedeng ibahin ang petsa ng konsulta para kunwari ay sa ibang araw kayo nagpatingin. Huwag mo na kaming idamay sa mga plano mo, alam ko yang galawan mo.
7.Hindi kami pwedeng maglagay ng extension ng rest/pahinga kung hindi naman kailangan ng pasyente. Maniwala ka, kayang pumasok ng pasyente sa diagnosis na 'Essentially well' unless may iba siyang karamdaman.
8.Kung tinatamad kang pumasok, wag kang pumasok. Pero wag mo kaming piliting maglagay ng kunwaring sakit para ma-excuse ang katamaran mo dahil kahit may sakit kami, pumapasok kami. Mahiya ka.
9.Lahat ng sinusulat ko ay nagkakatotoo, wag mo na akong tanungin kung paano. So kung gusto mong lagyan kita ng sakit, pag-isipan mong mabuti pero binalaan na kita.
10.Basahin mo ulit ang rules 1-9.