13/12/2025
Isang 25-anyos na babae ang halos mabaliw sa sakit at pag-iyak matapos niyang malaman na HIV positive ang kanyang boyfriendโat mas masakit, pati siya ay nahawa na rin. Akala nila ay simpleng skin rashes lang ang pamamantal sa balat ng lalaki, ngunit dahil parang kakaiba at hindi normal, dinala siya ng girlfriend sa clinic para magpa-test. Doon nalaman na positive sa HIV ang lalaki. Dahil sa takot at pag-aalala, nagpa-test din ang babae, at hindi niya inaasahang pareho rin ang naging resulta.
Ayon sa kanya, loyal siya sa relasyon, kaya gumuho ang mundo niya nang umamin ang boyfriend na minsan daw siyang nakipag-โone-time encounterโ dahil sa curiosity, at posibleng doon niya nakuha ang virus. Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, isang paalala ito sa lahat na hindi sapat ang magtiwala nang bulag sa relasyon; mahalagang maging tapat, magpa-test regularly, at alagaan ang kalusugan ng isaโt isa. Ang HIV ay walang pinipili at hindi nakikita sa itsura lamang, kayaโt mas ligtas ang taong may alam at may lakas ng loob na magpatingin.