11/02/2016
NETWORKING
Ilan sa mga maling pagkakaintindi ng mga tao about NETWORK MARKETING ay ang mga sumusunod, at ang aking masasabi tungkol sa mga 'to
#1. Scam o Pyramiding - Ito ang pinaka madalas na tingin ng mga tao sa Networking, marinig palang nila ang word na networking ay ayaw na nila, na marahil isa sa mga dahilan kung bakit maraming networker ang nakakaisip ng paraan na kung tawagin ay pamumusakal o kidnap, na kung saan iimbitahin nila ang prospect nila sa paraang kunyari may pupuntahan lang na kainan or magpapasama kunyari pero ang totoo dadalhin lang nila ang invite nila sa isang BOM o business presentation, na yun din ang isa sa mga dahilan kung bakit bumababa ang tingin lalo ng mga tao sa networking,
Scam ba o Pyramiding ang Networking? unahin natin sa word na pyramiding, Actually sa totoo lang.. kung iguguhit natin ang structure ng Networking or organization pababa ay maitutulad mo talaga ito sa pyramid lalo na sa binary, ngunit networking nga lang ba talaga ang may pyramid structure at bakit kapag networking ang nasa isip agad ay pyramid? tingnan mo itong nasa picture ng isang company organization
Muka bang pyramid? take note yung mga taong iniimbitahan mo ay ayaw na ayaw sa networking dahil pyramiding daw without knowing na part din sya ng isang pyramiding structure, at ang madalas pang sinasabi ng mga taong ayaw sa networking ay kung sino lang daw ang nauna at nasa taas yun lang daw ang kikita ng malaki? napapakamot ako sa twing naririnig ko 'to na parang gusto kong isagot sa kanya na bakit sa work mo ba parehas lang kayo ng kinikita ng boss mo?
Anyweiz punta naman tayo sa word na SCAMang pinaka malalang tingin ng mga tao sa networking ay ito, SCAMMER, manloloko ng tao, Aminado ako may mga networking company talaga na SCAM at siguro yon ang naging dahilan kung bakit naging SCAM ang tingin ng tao sa networking, pero NETWORKING lang ba ang may SCAMMER?
may SCAM na TRAVEL AGENCIES, GOVERNMENT AGENCY, EMPLOYMENT AGENCY, DOCTOR na SCAMMER ultimo Religion nga may SCAMMER din. siguro ang pinaka dapat lang natin gawin bilang networker ay kumilos tayo as a professional, tayo ang mag silbing mabuting halimbawa at wag na nating gayahin ang mga maling ginagawa ng iba, i educate natin ang tao kung ano ba ang LEGIT na Networking sa ilegal.
#2 Pinagkakakitaan ang Pagod ng IBA - Very Common, naalala ko may nag sabi sakin na ayaw nya daw mag Networking kasi para sa kanya hindi magandang halimbawa ang pinapraktis o ginagawa ng mga networker, kasi kumikita daw ang isang NETWORKER mula sa ibang mga tao na nasa ilalim nila, ginagamit lang daw nating mga networker ang mga tao sa ilalim natin para lang tayo kumita..
Bago ko sagutin ang paratang na yon, gusto ko lang itanong? anong business o anong company ang hindi kumikita mula sa effort o trabaho ng ibang tao?
Example jollibee.
yung may ari ba ng jollibee ang umaasikaso sa mga customer? yung nagluluto kaya? o yung kumukuha ng order ng mga tao? yung may ari ba ng jollibee ang nagbubukas ng pinto at nagsasabing welcome at thanks come again?
SM
si Henry Sy ang may ari ng SM.. sya ba ang nagbubukas sayo ng pinto ng SM? si Henry Sy ba ang nag aasikaso sa mga taong namimili?
Natatawa ako at naawa sa mga taong nagsasabi na ang pangit daw ng NETWORKING dahil pinagkakakitaan daw ng mga uplines o mentor ang mga nasa ilalim nila..
Networking is a people helping people business..Given na kikita ka talaga sa effort ng downlines mo o team mo at ganun naman talaga kahit sa labas o sa traditional business, it's because part yon ng complan ng company, pero ano ba ang kinaganda non?
Sa traditional business is ang effort ay hindi binabayaran ng company, ang binabayaran ng company is yung oras at araw na ipinasok mo. tamad ka man o ikaw ang pinaka masipag parehas lang ang sahod
Sa networking hindi kikita ang Upline kung tamad ang downlines, at pinupush o binibigyan ng proper training ng upline ang group nya para kumita ng sa ganon kumita din sya.. effort lang ba ng grupo nya pinagkakakitaan nila?
siguro sa pag iimbita oo effort ng grupo yon, pero yung ginawa ng mentor na training at i-guide ang grupo nya para kumita at tulungan ng maging successful sa business, hindi ba effort ang tawag don? kung paano naging matyaga ang mentor na turuan ang mga downlines nya na kumita hindi ba matatawag na EFFORT yon?
at ang isa sa maganda sa networking ay ito. ang binibigay ng networking sa tao ay pag asa na mabago ang buhay o magkaron ng magandang buhay.
ngunit ang kaya lang ibigay ng EMPLOYMENT sa tao ay normal na buhay at maka Survive lang sa buhay.