Marikina valley medical center employee's association/ Mvmcea-Ufsw

Marikina valley medical center employee's association/ Mvmcea-Ufsw Kami ay samahan na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga empleyado ng MVMC,

Marikina Valley Medical Center Employees Association - Unified Filipino Service Workers (MVMCEA-UFSW) and Marikina Valle...
23/09/2025

Marikina Valley Medical Center Employees Association - Unified Filipino Service Workers (MVMCEA-UFSW) and Marikina Valley Medical Center

CBA Negotiation Meeting
September 17, 2025
Max's Sumulong Highway

✊
14/09/2025

Your UPHUP - United Private Hospital Unions of the Philippines Courtesy call with House of Representatives of the Philip...
05/09/2025

Your UPHUP - United Private Hospital Unions of the Philippines Courtesy call with House of Representatives of the Philippines Committee on Health Chairman Cong. Ciriaco B. Gato Jr, MD, Lone District Batanes. Mga "resibo" para sa pagsusulong ng karapatan at benepisyo ng mga manggagawang pangkalusugan!

26/08/2025

Padayon Eli San Fernando - Kamanggagawa Partylist✊

25/08/2025

Sa harap ng mga employer na walang habas na lumalabag sa karapatan ng manggagawa, nananatiling pinakamabisang sandata ang pagkakaisa at kolektibong pagkilos. Ang unyon ay hindi kalaban ng progreso, kundi tagapagtanggol ng makatao at makatarungang paggawa. TIGILAN ANG PANINIKIL! KILALANIN ANG LEHITIMONG KINATAWAN NG MGA MANGGAGAWA SA Diliman Doctors Hospital Inc, Commonwealth Avenue, Quezon City! WE STAND WITH DILIMAN DOCTORS HOSPITAL EMPLOYEES ASSOCIATION!

Agosto 25, 2025 NATIONAL HEROES DAY.•Sa bawat hakbang natin ngayon, naririnig ang kanilang mga sigaw ng paglaya at pagli...
25/08/2025

Agosto 25, 2025 NATIONAL HEROES DAY.
•Sa bawat hakbang natin ngayon, naririnig ang kanilang mga sigaw ng paglaya at paglilingkod. Ang ating mga bayani noon — ang mga nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kinabukasan — ay nagsisilbing inspirasyon. Pero ngayon, makikita rin natin ang kanilang espiritu sa bawat manggagawa, sa bawat nagsusumikap para sa ikauunlad ng bayan. Sila ang bagong bayani ng ating panahon — mga tahimik ngunit matapang na tagapagtaguyod ng pagbabago. Sa kanilang pawis, nakikita ang ating kinabukasan. "

20/08/2025

Salamat po✊

Karapatan mo ipaglaban mo✊
09/08/2025

Karapatan mo ipaglaban mo✊

Marikina Valley Medical Center Employees Association - Unified Filipino Service Workers (MVMCEA-UFSW) and Marikina Valle...
09/08/2025

Marikina Valley Medical Center Employees Association - Unified Filipino Service Workers (MVMCEA-UFSW) and Marikina Valley Medical Center

CBA Negotiation
08 August 2025

Padayon para sa Uring Manggagawa✊
09/08/2025

Padayon para sa Uring Manggagawa✊

Padayon Pangulo Ray John Roche Embile!

Isang taon ang nakaraan nuong naglakas loob kang sumangguni sa UPHUP - United Private Hospital Unions of the Philippines para sa suliranin ninyo sa inyong . Ito ay isang matibay na patunay hindi lang ng pag-asam para sa benepisyo kung hindi ng malasakit para sa mga kapwa manggagawa dyan sa Marikina Valley Medical Center Inc. Maraming pagsubok ang inyong pinagdaanan ngunit napagtagumpayan dahil sa inyong tibay ng loob at dedikasyon upang inyong maitatag ang Union sa inyong hospital na pinaglilingkuran. Katatagan na siyang dahilan kung bakit mayroong Batas Manggagawa, UFSW at UPHUP sa inyong likod, DAHIL PINILI NINYONG ILABAN ANG INYONG MGA SARILI.

Isang taon ang lumipas, pinapangunahan mo na ang kauna-unahang CBA ng inyong Union para mas nakabubuhay na pasahod, benepisyo at higit sa lahat ang pagkilala sa mga manggagawa bilang katuwang ng kumpanya sa paglago ng kapital.

Mabuhay ka pangulo! Nawa'y pamarisan ka ng mga katulad na manggagawa na walang masandigang Union ngunit nag-uumapaw ang pangarap para sa mas makataong pasahod at benepisyo, ngunit napipigilan ng agam-agam ng kawalang pag-asa at saklolo.

SA MGA KAPWA MANGGAGAWA NA NAGNANAIS MAGKAROON NG MATIBAY NA SASANDIGAN, TINDIGAN NINYO! AALALAY KAMI HANGGANG DULO.

Hazard pay isabatas✊
02/08/2025

Hazard pay isabatas✊

Monthly Hazard/Special Pay of Hospitals in the NCR and Provinces. Kung ang San Pablo City Medical Center na nasa Laguna ay kayang bayaran ang hazard pay ng kanilang mga nasa Critical Areas ng ₱3000.00 kada buwan, or sampung beses na halaga kumpara sa mga karamihan ng hospital sa NCR, ITO BANG SINASABI NILANG INDUSTRY STANDARD PARA SA HAZARD PAY AY KASUNDUAN PARA BARATIN ANG HAZARD PAY NG MGA EMPLEYADO?



MULING PAALALA, ANG HAZARD PAY NG MGA PUBLIC HOSPITALS AY ₱9,000.00 KADA BUWAN!

Address

Sto. Nino Marikina
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marikina valley medical center employee's association/ Mvmcea-Ufsw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram