04/11/2025
Bago pa man siya ipanganak, nagsisimula na ang kwento ni baby.
Sa bawat kain ni nanay, sa bawat prenatal check-up, sa bawat yakap at patak ng breastmilk, unti-unting nabubuo ang pundasyon ng isang malusog na buhay.
Ang unang 1,000 araw โ mula sa sinapupunan hanggang sa ika-2 kaarawan โ ay panahon ng mabilis na paghubog ng utak at katawan. Dito nabubuo ang higit sa 1 milyong koneksyon sa utak kada segundo. Kapag kulang sa nutrisyon sa panahong ito, maaaring makaapekto ito sa paglaki, pagkatuto, at kinabukasan ni baby.
Kapag sapat ang alaga, may wastong pagkain, exclusive breastfeeding, at regular na check-up, mas malaki ang tsansang lumaking matalino, malakas, at handang mangarap si baby.
Tandaan, ang bawat pinggan, bawat yakap, at bawat bakuna ay puhunan para sa mas magandang bukas.
Dahil sa unang 1000 araw, bawat araw ay mahalaga.