10/05/2022
Maraming salamat po sa inyong lahat. Ang aking mga adhikain para sa inyong lahat na maiangat ang healthcare delivery system ng Parañaque ay nasa mga kamay na ng mga Parañaqueños. Ito ay makikita sa resulta ng ating halalan, Ito ang makapagsasabi na ang mga inihalal ninyong mga opisyales ay siyang makakatulong sa pag-angat ng inyong buhay lalong-lalo na po sa pangangailangan ng pangkalusugan.
Maraming salamat sa ipinadama ninyong pagmamahal, pagmamalasakit, pagsisikap na tulungan akong manalo. Alam na po ninyo kung sino po kayo na nagpadama nito sa akin.
Ako po ay isang doctor na patuloy na tutulong sa inyo sa abot ng aking makakaya. Maraming, maraming salamat po! God bless everyone😘😘😘😘😘