27/12/2025
Happy New Year mothergeese (madaming mother goose so mother geese)! Sharing my clinic schedule for the New Year week so you can plan ahead:
π DECEMBER 30 (Tuesday β Rizal Day, Special Holiday) β YES, I will still be in clinic, kasi galing tayo sa maraming clinic OFF and susunod na mga OFF na naman, ayaw ko mamiss ninyo ako ng todo.
π DECEMBER 31 (Wednesday β New Yearβs Eve) β NO CLINIC
π JANUARY 1 (Thursday β New Yearβs Day) β NO CLINIC
π JANUARY 3 β Regular clinic schedule resumes
Sa mga mommies, thank you for trusting me throughout the year β sa checkups, ultrasounds, deliveries, late-night concerns, and all the little wins of motherhood that we shared. β€οΈ (ayan, gentle OB pa din tayo)
Wishing you all a gentle and joyful start to 2026. Happy New Year, mommies! β¨π
P.S. (di mawawala to, hindi mababago kahit 2026 na, weekly mga pangaral ko sa inyo) π
Wag na kayong mag attempt tumalon ng New Years eve, baka madulas pa kayo, manigas tyan ninyo or mapaano. Ang pagtangkad ay hindi dahil sa pagtalon. Ang pagtangkad po ay dahil sa genes. If hindi pinagpala sa matangkad na genes, bawi na lang tayo sa mataas na shoes. Pati di din tatangkad ang baby ninyo, hayaan na lang ninyo silang tumalon pag kaya na nila. π
Yung pagkain ng grapes sa ilalim ng table, go lang kayo dyan if ikakasaya ninyo at if sa kalagayan ninyo eh kailangan pa ninyong makahanap ng true love, wala akong ibang sasabihin basta mataas ang sugar ng grapes. Pero mayaman sa Vitamin C. Hinay hinay lang. π
Iwas iwas sa mga paputok, jusko ha. Pag may fire cracker incident pa sa inyo, kukurutin ko kayo. π Mag mask kayo at mausok.
Speaking of mausok, pag kayo ay known asthmatic, pwede kayo mag nebulize ng gamot niyo. Inform lang ninyo ako basta mag nebulize na kayo as needed.
O ayan, hinay hinay sa Media Noche. Ang mga sugar ninyo. (Reminder ko din to myself) sa mga not pregnant or may PCOS, see you sa Jan or Feb, for sure may clinic visit na naman kayo at di na naman kayo nag mens, mag PT muna kayo ha, baka naman you know welcome to motherhood ka na din. Or sadyang napadami ang pagkain sa festive season at full blown PCOS na naman.
Basta see you all. Salamat sa meaningful 2025. Aaaaawww. π₯Ή
Lablab,
doc Denn π