31/03/2025
Ikaw ba'y may VERTIGO?
👉Kapag nahihilo ang isang tao, isa lang sa dalawang klase ang pinagdududahan niyang sakit niya: mataas ang presyon o vertigo. Madaling makumpirma ang unang nabanggit. Magpakuha lamang ng presyon gamit ang device na pang-blood pressure (BP), malalaman na kung beyond normal ang BP niya. Mas mahirap makumpirma ang vertigo.
Ano ang VERTIGO at mga sintomas nito?
Ang VERTIGO o BENIGN PAROXYSMAL POSITIONAL VERTIGO (BPPV) ay isang uri ng karamdamang may kinalaman sa pagkahilo. Ito ay konektado sa loob na parte ng tainga na siyang may kinalaman sa balanse at paggalaw ng katawan ng tao. Kapang nakaramdam ang isang indibidwal na tila umiikot ang kanyang kinaroroonan, malaki ang tsansa na siya ay may vertigo. Ang karamdamang ito ay nagdudulot ng matinding pagkahilo. Ang ibig sabihin, hindi karaniwang hilo lamang ang nararamdaman.
Ang taong may vertigo ay maaaring magduwal at magsuka sa sobrang hilong nararamdaman. Sobra rin kung mapawisan ang pasyente ng sakit na ito. Ang mga indibidwal na mayroon nang malalang kundisyon ng vertigo ay nawawalan na ng balanse sa katawan na maaaring magresulta sa kanilang pagkabuwal o pagkatumba. Higit pa dito, sa tuwing aatake ang sakit na ito, mas pinalalala pa ang sintomas ng kaunting paggalaw ng bahagi ng ulo. Nagbabago rin ang posisyon ng katawan. Kapag ganito ang nangyayari, nakakarinig din ng parang nagkukuliling sa loob ng tainga. Ito ay tinatawag na tinnitus.
Mga Sintomas:
1. Matinding pagkahilo sa paggising o di kaya naman, pagbangon
2. Pinagpapawisan nang butil-butil at malamig
3. Naduduwal at parang nasusuka ang pakiramdam
Ang vertigo ay nagsusuka sa mabilis na pagbabago ng posisyon ng ulo kaya kadalasan sa tuwing sinusumpong, ang mga nabanggit ay agarang nararamdaman. Ang taong nagkakaroon ng vertigo ay kadalasang lumalala ang stress sa buhay, mapa sa trabaho o pamilya man iyan. Madalas ding nakukulangan sa tulog ang taong may ganitong karamdaman.
Mga posibleng sanhi ng vertigo:
Ang isang kundisyon ng vertigo ay puwedeng magtagal ng ilang segundo, minuto, o di kaya naman, oras. Sa tuwaing matatapos ang unang episode, puwedeng hindi na ito maulit pa. Ganoon pa man, ang mga sintomas ay puwede ring maging pabalik-balik. Mahirap matukoy ang sanhi ng pag-atake ng vertigo. Subalit, kabilang na sa mga posibleng dahilan ang mga sumusunod:
1. Namamaga ang loob na parte ng tainga.
2. May sakit na konektado sa nerbiyos na matatagpuan sa loob na bahagi ng tainga.
3. May abnormal na paggalaw ng mga maliit na butil ng calcium na nasa loob ng tainga.
4. Mahina ang daloy ng dugo kung saan nagkakaroon ng pagbalanse ng utak.
5. Masakit ang ulo nang dahil sa migraine.
🙏Para sa maayos at malusog na NERVOUS SYSTEM,uminom ng First Vita Plus Fruits & Veggies with Mangosteen. Ito ay binubuo ng 22 na iba't ibang klase ng gulay at prutas at 5 POWER HERBS upang mabalanse ang kalusugan ng katawan.
call/text for order
👉👉09632208303