22/03/2021
8,019 CASES SA ISANG ARAW.
Magpapatuloy lamang ang pagtaas sa bilang, pati ng mga kaso sa ating lungsod kung mananatiling kampante ang mga tao. Pinapaalalahanan po ang lahat sa sumusunod:
✅ Lumabas lang ng bahay kung kailangan. Hindi po ito ang panahon para makisali sa alumni homecoming, birthday party, lamay ng di naman immediate family atbp.
✅ Isuot ng tama ang mask, at magface shield kung lalabas ng bahay. Panatilihin ang tamang distansya at huwag pumunta sa mataong lugar.
✅ MAGREPORT SA BHERT O SA CENTER pag may mga sintomas ng COVID-19, lalo kung alam nyo na nanggaling kayo sa lugar na maraming kaso. May libreng test para sa COVID-19 para sa mga papasok as SUSPECTED CASE.
✅ SUMUNOD SA BHERT O SA CENTER pag inadvise magquarantine, kahit pa may NEGATIVE ANTIGEN O SWAB RESULT. May tamang proseso po ang quarantine. 14 days from LAST EXPOSURE sa isang kumpirmadong may COVID.
✅ MAGBASA AT MAKINIG. Matagal na po at nagkalat ang health education at health information sa mga dapat gawin. Isang taon na po mula nung nagkaroon ng pandemya.
Nagsimula na po ang bakunahan, pero hindi po ito sapat para mapabagal ang pagbilis ng kaso. Tumingin po kayo sa inyong paligid at itanong kung handa ba ang lahat sa biglang pagtaas ng kaso. Napakaraming nakakalimot, sana po'y paalalalahanan natin ang bawat isa para sa ikabubuti ng kalusugan ng ating pamayanan.
LIKE, SHARE o i-FORWARD sa inyong kamag-anak o kakilala ang mensaheng ito. Maging responsable po tayong lahat at sumunod sa mga nabanggit. Maaarinh magmessage sa inyong Health Center kung may karagdagang katanungan.
Ngayong 4 PM, Marso 22, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,019 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 103 na gumaling at 4 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.1% (80,970) ang aktibong kaso, 86.0% (577,850) na ang gumaling, at 1.93% (12,972) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.