05/12/2025
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐂𝐚𝐫𝐨𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐫𝐜𝐮𝐞𝐫𝐚!
Pinangunahan ng Department of Health (DOH)–Center for Health Development MIMAROPA, katuwang ang Provincial DOH Office at ang Provincial Health Office – Health Promotion Unit, matagumpay na isinagawa noong Disyembre 3, 2025 sa Bayan ng Corcuera ang “Paskohan sa Barangay: Search for Pinakabonggang Christmas Caroling.”
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng serye ng komprehensibong health education lectures na pinangunahan ng mga imbitadong tagapagsalita. Tinalakay dito ang ByaHealthy: Road Safety, Iwas Paputok, Nutrition: Healthy Handaan, at WASH. Nagbigay ang mga ito ng praktikal na kaalaman at binigyang-diin ang papel ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na kapaligiran, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Dumalo sa talakayan ang mga Barangay Captain at Kagawad, mga senior high school students, at mga kinatawan mula sa PNP Corcuera, BFP Corcuera, WCPD Corcuera, at iba pang stakeholders. Patunay ng kanilang matibay na suporta sa adbokasiya ng kalusugan. Nasundan ito ng carolling competition, kung saan ipinamalas ng mga grupo mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang pagkamalikhain at husay sa pag-awit. Bawat pagtatanghal ay naghatid ng diwa ng Pasko habang binibigyang-pansin ang temang Healthy Holidays ng Department Of Health.
Ang mga kalahok sa carolling competition ay tumanggap ng masiglang papremyo, kabilang ang cash prize at mga espesyal na token bilang pagkilala sa kanilang husay at paglahok
Sa kabuuan, ang “Paskohan sa Barangay: Search for Pinakabonggang Christmas Caroling” ay naging matagumpay at makahulugang pagdiriwang. Bukod sa paghatid ng kasiyahan at kulturang pamasko, pinatatag nito ang mahahalagang mensahe hinggil sa kalusugan at kaligtasan at lalo pang pinagtibay ang ugnayan ng komunidad. Sa sama-samang pagsisikap ng DOH-CHD MIMAROPA, Provincial DOH Office, Provincial Health Office, lokal na pamahalaan, at mga katuwang na institusyon, ang kaganapan ay nag-ambag sa paghubog ng isang mas may kamalayan, mas nagkakaisa, at mas pangkalusugang komunidad sa Munisipalidad ng Corcuera.
𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰! 𝘐𝘱𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘭𝘦𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦𝘴 𝘯𝘢 𝘐𝘸𝘢𝘴 𝘗𝘢𝘱𝘶𝘵𝘰𝘬, 𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩𝘺 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘉𝘺𝘢𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩𝘺 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘬𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘮𝘢𝘬𝘢𝘯!