13/08/2025
Ano nga ba ang HPV?
Ang human papillomavirus o HPV ay isang virus mula sa pamilyang papillomavirus na may kakayahang humawa ng mga tao. Gaya ng lahat ng mga papillomaviruse, ang HPV ay lumilikha lamang ng mga produktibong mga impeksiyon sa keratinocytes ng balat o mukosang membrano. Bagaman ang karamihan ng mga malapit sa 200 na uri ng HPV ay hindi nagsasanhi ng mga sintomas sa maraming mga tao, ang ilang mga uri ay nagsasanhi ng kulugo samantalang ang maliit na bilang nito ay nagsasanhi ng kanser sa cervix, ari at a**s(sa babae) o kanser ng a**s at ari sa mga lalaki. Ito ay nagsasanhi rin ng mga kanser sa ulo at leeg(dila, tonsil at lalamunan). Kamakailan lang, ang HPV ay naiugnay sa dumagdag na panganib ng sakit na cardiovascular.
Ano ang HPV VACCINE?
Ang HPV vaccine ay ligtas at epektibo na bakuna laban sa human papilloma virus na kaugnay ng sakit na cervical cancer. Ito ay libreng ibinibigay sa mga babae edad 9 - 14 taong gulang at sa buwan nga ng AGOSTO ay ibibigay ito sa mga eskwelahan sa mga mag-aaral ng ika-apat na batang o Grade 4. Mas mainam na mabigyan agad sila nito sa ganitong edad at bago pa man sila ma-expose sa virus na ito. Ang Bakuna po na ito ay Libre at walang bayad kaya isipin natin ang proteksyon na maibibigay nito sa inyong mga anak na babae.
Sama-sama nating labanan ang Cervical Cancer!